Magkakasalungat ang impormasyong inilalabas ng mga eksperto tungkol sa Omicron, hmmm...
ni Ka Ambo - @Bistado | December 10, 2021
MAGKAKASALUNGAT ang datos at impormasyong inilalabas ng mga eksperto kaugnay sa Omicron variant.
Kumbaga, walang eksperto sa “bagong demonyo”!
◘◘◘
MARAMI ang atubiling magpa-booster ng COVID vaccines.
Alam nilang mayroon ng herd immunity!
◘◘◘
BAKIT walang nagkukompirma na nararanasan na ang pinakaasam-asam na herd immunity?
Talagang gusto ng awtoridad ay palaging panic ang mga tao!
◘◘◘
TUMITINDI na ang init sa paligid.
Kasabay nito, biglang nakararanas naman ng matinding lamig sa gabi.
Ang resulta: iba’t ibang sakit!
◘◘◘
BAKIT ayaw pa ring tumatanggap ng mga pasyente ang ilang ospital?
Ikinakatwiran nila na full capacity.
Salungat ito sa ulat na kakaunti na lang ang nagkaka-COVID!
◘◘◘
HANGGANG ngayon, hindi pa rin maialis ng mga ospital ang pagiging abusado, ganid at suwapang.
Ang nakalulungkot, ang ilang ospital na ito ay pinatatakbo ng mga pari at madreng Katoliko.
Isa na ang ospital sa Pasay City sa kahabaan ng Roxas Boulevard!
◘◘◘
HINDI ospital na pag-aari ng Simbahang-Katolika ang nagkamal ng salapi sa panahon ng pandemya.
Maging ang mga Catholic schools ay patuloy sa paniningil ng dambuhalang tuition fee gayung hindi naman ginamit ang kanilang pasilidad — dahil sa “online classes”.
Hindi sila nagbawas ng matrikula, kahit kaliwa’t kanang ang dumaranas ng hirap!
◘◘◘
NAMUMURO na ang Ikatlong Digmaang Pandaigdig — US kontra China.
Mag-uugat ang digmaan sa West Philippine Sea at Taiwan strait.
Isa ring mitsa ng digmaan ang kinatatakutang kudeta o civil war sa Ukraine na may basbas ng Russia!
◘◘◘
PINUPULONG ng US gamit ang online conference ang mga kapanalig na demokratikong gobyerno upang paghandaan ang puwersa ng China.
Kapag sinabing demokratiko, kasama riyan ang Britain, France, India, Australia, Germany, Japan at marami pang iba.
Hindi padadaig ang China dahil nasa likuran nila ang Russia, North Korea, Iran, Cuba at Venezuela!





Comments