top of page

Maging wais daw, maniguro sa yaman… FANS KAY KIM: DAPAT MAY PRENUP AGREEMENT KAYO NI PAULO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 27, 2026



TEKA NGA - FANS KAY KIM DAPAT MAY PRENUP AGREEMENT KAYO NI PAULO-FB Paulo Avelino

Photo: File / -FB Paulo Avelino



Marami sa mga fans ni Kim Chiu ay tanggap na si Paulo Avelino. Kahit na may ilan pa rin ang nagdududa kung tunay at sincere ang intensiyon ni Paulo sa Chinita Princess, nakikita naman nilang masaya ang aktres kapag kasama ang aktor. 


Pero sana raw ay pag-isipang mabuti ni Kim ang mga bagay na dapat niyang ikonsidera bago siya magpakasal, lalo na kung may kinalaman sa aspeto ng kabuhayan. 


Maraming properties na naipundar si Kim bukod pa sa mga negosyo na kumikita na nang malaki. Nararapat na magkaroon sila ng prenup agreement upang wala silang pagsisihan. 


Hindi naman siguro mamasamain ni Paulo Avelino sakaling hilingin ni Kim Chiu na magkaroon sila ng prenup agreement bago sila magpakasal.





Peanut, 3 yrs. old na… VILMA, WISH NA MAGKA-BABY NA ULI SINA LUIS AT JESSY



Napakasaya ng pagsali ni Star for All Seasons Batangas Governor Vilma Santos-Recto at ni Jessy Mendiola sa Kapamilya, Deal or No Deal (KDOND) last Saturday. Si Luis Manzano ang host ng nasabing game show kaya may kulitan, tawanan at biruan habang ongoing ang show. 


Bagama’t hindi pinalad sina Gov. Vi at Jessy sa P1 million prize para sa kanilang charity, nag-donate naman sina Gov. Vi, Jessy at Luis ng kanilang sariling pera para ibigay sa napili nilang charity. 


Sa kanilang guesting sa KDOND, nabanggit ng Star for All Seasons na wish niya ay masundan na si Baby Isabella Rose upang magkaroon na ng kalaro. Gusto na rin naman ni Jessy na magkaroon na ng kapatid si Baby Peanut dahil three years old na ito. 


May mga fans si Luis Manzano na humihiling na sana ay baby boy ang susunod nilang anak ni Jessy para may Luis Jr. na. Sigurado raw na tisoy ito at mamanahin ang pagiging funnyman ng ama.





NGAYON pa lang ay excited na ang Star for the New Generation na si Jillian Ward sa kanyang debut concert sa July 31 na gaganapin sa New Frontier Theater. 


Inilabas na rin ng GMA Sparkle Artist Center ang teaser poster ng kanyang concert kaya puspusan na ang paghahanda ni Jillian para sa kanyang first-ever concert. 


Bihasang-bihasa nang mag-perform ang aktres dahil kumakanta at sumasayaw siya sa kanyang regular exposure sa All-Out Sundays (AOS)


Titiyakin ni Jillian Ward na masusulit ang panonood sa kanyang debut concert kaya nagtatanong na siya sa mga fans ng kanilang song requests upang mapaghandaan. 


Inaasahan naman na may mga guest celebrities at malalaking GMA stars na susuporta kay Jillian Ward. Tiyak na magkakaroon ng partisipasyon sa concert si David Licauco na kasama niya sa seryeng Never Say Die (NSD), ganoon din si Emman Bacosa Pacquiao na nali-link ngayon sa kanya. 


Ang debut concert ni Jillian Ward ay ididirek ni Marvin Caldito.





HILIG ni Miguel Tanfelix ang mag-travel nang solo kapag sumasapit ang kanyang kaarawan. Ito bale ang regalo niya sa kanyang sarili. Dito siya nagkakaroon ng pagkakataong makapag-solo at makapag-isip-isip.


Marami siyang natututunan sa kanyang pagbibiyahe nang mag-isa. 

Ganunpaman, may kaakibat na risk o panganib ang pagbibiyahe niyang mag-isa.


Nang mag-guest siya sa programang Your Honor (YH), nabanggit niya kina Chariz Solomon at Buboy Villar na na-scam siya nang bumiyahe sa Singapore. Nagbayad daw siya nang sobra-sobra nang kumain sa isang resto. Mabuti na lang at mabait ang may-ari ng resto at nabawi niya ang sobra sa kanyang ibinayad. 


Lesson learned iyon kaya mas maingat na ngayon si Miguel kapag bumibiyahe nang mag-isa. Nagsisilbing adventure para sa aktor ang pagbabakasyon abroad at kakaibang fulfillment ang kanyang nararamdaman. Nai-inspire siya sa kanyang career. 


Ngayon ay dalawa ang shows ni Miguel Tanfelix sa GMA Network. Malalaking artista ang kasama niya sa Firewall kung saan mature role na ang kanyang ginagampanan. 


Sa kanya rin ipinagkatiwala ng GMA-7 ang Planet XP (PXP) kung saan ipi-feature niya ang iba’t ibang komunidad sa ‘Pinas, ganoon din ang kultura ng lugar.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page