Maging mas wais para ‘di mabiktima ng mga hacker
- BULGAR
- Feb 10, 2024
- 1 min read
@Editorial | Pebrero 10, 2024
Talamak pa rin ang hacking sa bansa. Sa kabila ng paalala ng mga otoridad, marami pa rin ang nabibiktima.
Mainam din na patuloy naman ang pagbibigay-babala at pagtugis sa mga hacker.
Bagama’t ayon sa pag-aaral ng isang cybersecurity company, pasok pa rin ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamaraming account na na-hack noong taong 2023.
Pumwesto tayo sa ika-30 mula sa 163 bansa.
Base pa sa datos ng Surfshark, ang Pilipinas ay mayroong 705,470 breached accounts noong 2023, na mas mababa naman kumpara sa 1,369,604 na naitala noong 2022.
Dahil dito, masasabing nag-improve ang bansa mula sa 26th ranking noong 2022.
Kaugnay naman sa breach density o bilang ng leaked accounts kada 1,000 residente, bumuti rin umano ang ranking ng Pilipinas mula ika-70 sa ika-77 pwesto.
Sa ngayon, wala pang komento ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa inilabas na pag-aaral.
Napag-alaman na nagaganap ang data breach kapag nalalantad ang confidential at sensitive data sa unauthorized third parties.
Kaya ingatan ang mga personal na impormasyon lalo na ang mga password.
Kung matalino ang mga hacker, dapat ay maging mas wais tayo para ‘di mabiktima.
Iwasan ang pag-open ng mga link na kahina-hinala. Kung wala namang transaksyong legit, huwag mag-entertain ng mga messages online.
Comentários