top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Maging mas maingat sa kalusugan ngayong Kapaskuhan — DOH

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 16, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | December 16, 2022



Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na maging mas maingat at responsable sa kanilang kalusugan lalo na’t papalapit na ang Kapaskuhan.


Sa media briefing ngayong Biyernes, sinabi ni DOH officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangang marunong kumontrol sa pag-inom ng alak ang bawat isa at dahan-dahan sa pagkain ng mga hindi masusustansya sa mga handaan.


“Meron tayong laging sinasabi, ‘Minsan lang ‘to sa isang taon kaya kakain na ako nang madami, mag-iinom na ako nang madami at gagawin ko na lahat ng masasayang bagay.’


It is okay to be happy, it is okay to celebrate, it is okay to party. But we need to also be responsible,” pahayag ni Vergeire.


“So ‘yun pong minsan lang… maaaring ang katumbas ay medyo naging kritikal po na outcome para sa inyong kalusugan dahil ‘yung sobra-sobrang pag-inom, ‘yung sobra-sobrang pagkain nang hindi masusustansyang pagkain… maaari pong makaapekto sa inyong kalusugan,” paliwang ng opisyal.


Ayon kay Dr. Alfonso Victorino Pamaran Jr., medical director ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital o kilalang Tala Hospital, kadalasan dumarami ang mga dinadala sa mga ospital dahil ito sa kumplikasyon sa puso at utak tuwing sasapit ang Enero o kapag tapos na ang holiday season.


Aniya, karamihan sa mga pasyente ay hindi muna nagpapa-admit sa mga ospital tuwing Disyembre habang maghihintay na lamang ito kapag tapos na ang mga pagdiriwang.


“Dapat alam niyo kung anong merong sakit kayo. Siyempre kapag may diabetes, iwas kayo do’n sa matatamis; kung meron kayong problem sa liver, iwas kayo sa inom,” pahayag ni Pamaran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page