Magigising tayo isang umaga, wala nang Omicron
ni Ka Ambo - @Bistado | January 17, 2022
MAGKAKAIBA ang datos at opinyon ng mga eksperto kaugnay ng COVID-19 at Omicron variant.
Nagkaletse-letse na talaga!
◘◘◘
ANO ang sinaunang Tagalog sa virus?
Kagaw o singaw.
Ang singaw na dulot ng panahon ay biglang dumarating at bigla ring naglalaho.
Magigising tayo isang umaga, wala nang COVID-19, wala nang Omicron variant!
◘◘◘
UMABOT sa Japan ang 3-meter high na tsunami mula sa sumabog na Bulkan sa Tonga.
Isang kalamidad na mahirap hulaan!
◘◘◘
MAGHA-HOUSE-to-house raw sa vaccination.
Malaki ang tama ninyo!
◘◘◘
MARAMI na ang tuliro sa pangangampanya dahil sa Omicron variant.
Sa totoo lang, hindi naman sa buong bansa, bagkus ay sa ilang lugar lang!
◘◘◘
HUMABA nang todo ang Christmas break ng mga estudyante.
Sinundan ito ng “health break”!
◘◘◘
MAGING ang mga opisina — pribado man o publiko ay nagsipagsarado.
Sino ang may sabing mas grabe ang Delta kaysa sa Omicron variant?
◘◘◘
WALANG nakakaligtas sa Omicron variant.
Kahit sino at kahit nagsosolo sa silid ay tinatamaan ng mild symptoms.
Kapag may sipon o ubo, sino ang magpapasok sa iyo sa trabaho?
◘◘◘
NAGTETENGANG-kawali ang gobyerno sa patutsadang ilibre ang RT-PCR test at mamigay ng libreng paracetamol.
Ganyang kahina ang kukote ng mga kumag!
◘◘◘
MARAMI pang epidemya na darating.
Pero, ang gobyerno ay palpak pa rin!
◘◘◘
KAAWA-AWA naman ang mga paslit na tinatamaan ng COVID-19.
Wala silang depensa sa krisis!
◘◘◘
MAHIRAP maabutan ang iskor ni BBM sa survey.
Kalaban na lang niya ngayon ay inner pressure at kalikasan!
◘◘◘
MAGING si Mayor Sara ay kayod-marino.
Baka kasi siya maabutan ni Tito Sen!
◘◘◘
KAPAG kasi nagpumilit ang ilang maka-Sara na i-junk si Marcos, posibleng mag-boomerang ito.
At ang resulta, makasisilat si Sotto!





Comments