top of page

Magic Voyz, 'di ginagaya ang SB19, bagong Masculados

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2024
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Entertainment | September 11, 2024



Showbiz News

Napuno ang Viva Cafe sa Cubao, QC kagabi sa launching ng bagong all-male sexy group na Magic Voyz na nasa ilalim ng pangangalaga ng Viva Records at LDG Productions.


Nagpa-sample ang 7 miyembro ng Magic Voyz na binubuo nina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones at Johan Shane ng kani-kanilang talent sa pagkanta at pagsayaw.


Mga baguhan pa lang ang pito ngunit kakikitaan na ng potensiyal na sumikat lalo na nang kantahin nila ang kanilang first single na 'Wag Mo Akong Titigan na madaling tandaan ang lyrics at kantahin. Sina Jhon Mark, Juan Paulo Calma at Mhack Morales ay nagbida na sa Vivamax. Sina Jace at Johan ay pambato nila sa kantahan.


Takaw-pansin ang dalawa nang kantahin nila ang Maybe This Time. Sobrang happy ang kanilang talent manager na si Lito de Guzman sa naganap na launching ng Magic Voyz. Na-miss na raw niya ang mag-manage ng grupo kaya binuo niya ang Magic Voyz .


Siya ang manager ng sumikat na ‘Baywalk Bodies,’ ‘Wonder Gays,’ ‘Milkmen’ at ‘Batchmates’. Sey niya, “Nakaka-miss ulit ang mag-manage ng grupo. Sing and dance talaga ang challenge ko sa buhay. Nakikita ko kasi na patok ngayon ang mga boy group. So, naisip ko, bakit hindi ako mag-training ng mga boys na nag-lead na sa mga movies.


“Gusto ko kasi, may patunguhan din ‘yung paghuhubad nila at mai-showcase ang kanilang versatility. Ang packaging, sexy actor pero may talent, marunong kumanta, sumayaw aside from acting,” saad pa ng talent manager.


At kung bakit Magic Voyz ang napili niyang name ng group? “Magic Voyz kasi inpired ang name nila sa Magic Mike,” sambit ni Mother Lito. Bukod sa 'Wag Mo Akong Titigan, ire-release na rin ang kanta nilang “Bintana” mula sa komposisyon ng miyembrong si Johan. Dahil sing and dance ang grupo, natanong sila kung ginagaya ba nila ang SB19.


Todo-tanggi ang pito at anila, idol din nila ang SB19 at 'di nila ito ginagaya. Kung ihahalintulad sila, puwede raw sa dating all-male group na Masculados dahil pa-sexy din ang kanilang grupo.

1 Comment


yilale4813
Nov 02, 2024

A Las Vegas magician captivates audiences with mesmerizing illusions and breathtaking performances, transforming the ordinary into the extraordinary. These skilled performers blend artistry with showmanship, often incorporating humor and audience interaction into their acts. Famous for their grandiose shows on the Strip, a Las Vegas magician can make objects disappear, levitate, or even escape from seemingly impossible situations. Their performances often showcase elaborate sets and dazzling special effects, creating an unforgettable experience. From classic card tricks to mind-bending mentalism, these magicians push the boundaries of reality, leaving spectators spellbound and questioning the nature of magic itself.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page