Magdadaigan sa pivotal games ang Gin Kings at Bay Dragons
ni Clyde Mariano @Sports | January 8, 2023

Tabla ang serye sa 2-all, mag-uunahan ang Barangay Ginebra at Bay Area Dragons makuha ang lamang at momentum sa muling paghaharap sa pivotal Game 5 ngayong Linggo sa PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena.
Babanat ang Kings at Dragons ng 5:45 p.m. sa isa na namang mainitang court rivalry na tinaguriang Philippine versus China na tiyak tutunghayan ng 15,000 higit pang PBA fans.
Ang momentum ay nasa Bay Area Dragons sa panalo sa Game 4, 94-86. Tiyak sasamantalahin ng Hong Kong-based team ang pagkakataon na makuha ang lamang at lumapit sa isang laro na para hangarin ang korona na binakante ng San Miguel Beermen na kanilang sinibak sa 3-1 sa best-of-five semis.
Parehas na gustong manalo nina coach Tim Cone at ang Australian counterpart na si Brian Goorjian. “This game is crucial. This will determine how far we go in the championship.
We cannot afford to lose this game. We have to win this game at all cost,” sabi ni Cone. “We reviewed Game 4 and find out where we lapsed and committed mistakes. We made adjustment so as not to suffer the same mistakes that befell us in Game 4,” wika ng 65-years old American mentor.
Pipilitin ni Cone na hindi umabot ang serye sa Game 7. Sa panig ng 70-anyos na si coach Brian Goorjian ng Sacramento, gagamitin nila “jumping board” ang panalo sa Game 4 at lumapit sa korona. “We will utilize the momentum we got in Game 4 to full advantage to win Game 5 and move closer to the title,” sabi ni Goorjian.
Kung magtatagumpay ang Bay Area Dragons magiging pangatlong foreign teams sila na nanalo sa PBA. Unang nag-champion ang Nicholas Stoodley noong 1980 at NCC noong 1985. Pero kung aabot ang serye ng Game 7 ay idaraos ito sa Enero 13 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.





Comments