top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Magbaon ng mahabang pasensya, umiwas sa away-trapiko

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 16, 2023
1 min read

@Editorial | October 16, 2023


Nauwi sa kamatayan ang panibagong insidente ng away-trapiko.


Naganap ang madugong road incident sa Tondo, Maynila kung saan sinagasaan ng isang truck driver ang nakagitgitang tsuper.


Kaugnay nito, ipinag-utos na ang malawakang imbestigasyon sa insidente.


Iniutos na ang pagpapadala ng show cause order sa may-ari ng trailer truck at driver nito.


Kailangang mabusisi kung bakit nauwi sa pagkamatay ng delivery van driver na na-sandwich pa sa van at trak ang away-trapiko.


Laging pinaaalalahanan ang mga drayber na maging responsable at disiplinado. Ito ang hinihingi ng pamahalaan upang mabigyan ng lisensya sa pagmamaneho.


Gayunman, may iba na talagang hindi nakakapagbaon ng pasensya at init ng ulo ang laging ipinaiiral habang nagmamaneho.


Bagama’t may mga ‘di magandang sitwasyon na sadyang mahirap iwasan, mas piliin natin ang maging mahinahon. Isipin natin na walang mabuting dulot ang pag-aangas o pagpatol. Kung may mali, idaan natin sa maayos na usapan.


Alalahanin natin ang ating mahal sa buhay na laging naghihintay na tayo’y makauwi nang buhay at maayos.


Para naman sa mga may problema talaga sa pagmamaneho, hamon sa mga awtoridad ang mas mahigpit na pagbibigay ng lisensya. Huwag payagan ang mga drayber na magdudulot lang ng sakit sa ulo.


Tandaan, ang pagkakaroon ng lisensya sa pagmamaneho ay hindi karapatan, ito ay isang pribilehiyo na puwedeng bawiin anumang oras ‘pag inabuso.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page