top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Magbababoy sa Batangas nasungkit ang Php29.7 Million Jackpot Prize — PCSO

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2023
2 min read

ni Fely Ng @Bulgarific | February 9, 2023



Hello, Bulgarians! Magiging maganda ang kinabukasan ng pamilya ng 47-anyos na swine

raiser mula sa Ibaan, Batangas, na nanalo at nag-claim ng jackpot prize na P29,700,000.00 para sa Grand Lotto 6/55 na nilaro noong Enero 21, 2023 sa PCSO Main Office, Shaw Blvd., Mandaluyong City, kasama ang winning combination. 03-44-10-13-23-11.


Isang magbababoy sa buong buhay niya, sabi ng bagong milyonaryo na halos sampung taon na siyang masipag na tumataya sa lotto. Umaasa siyang maibabalik ang kanyang mga pagkatalo kaya naman hindi siya tumigil sa pagtangkilik sa mga PCSO Lotto games.


“Nakakapagod po, umikot na ang buhay ko sa pagbababuyan. Mahirap, mabaho. Kung

hindi sisipagan walang pambiling pagkain. Pinangarap ko talagang yumaman para

magbago naman ang aking pamumuhay. Maraming salamat po sa Panginoon at

dininig po ang; aking panalangin” saad niya.


Ibinunyag niya na ang kanyang kumbinasyon ay nagmula sa lucky pick system, at siya ay

lubos na nagpapasalamat nang malaman na ang kumbinasyon ang nanalo.


“Bale pag ako po ay nataya ng lotto eh ako po ay may alagang 2 kombinasyon tapos kasunod po neto ay lucky pick na. Sa tagal ko po inaalagaan ang aking numero ay nakakagulat po na ang tumama pa ay yung lucky pick. Nakita ko po sa isang post sa social media na ang tumama daw ay taga Ibaan, kaya tsinek ko ang aking tickets.


Napaiyak po ako sa tuwa ng makita ko na iyong numero ko ang lumabas. Maraming salamat PCSO sa pagbibigay ng pagkakataon sa amin na kami’y maging milyonaryo” buong pasasalamat niyang pahayag.


Sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, ang mga premyo na higit sa 10,000.00 ay sasailalim sa 20% final tax. Ang lahat ng mga panalo ay dapat nasa loob ng isang taon mula sa petsa ng draw ng pagkapanalo, kung hindi, ito ay magiging bahagi ng charity fund alinsunod sa PCSO Charter (Republic Act No. 1169).


Ang mga resulta ng lotto at iba pang detalye ng mga laro, produkto at serbisyo ng PCSO ay maaaring matingnan sa PCSO Official Website, PCSO FB Page at PCSO GOV Channel sa YouTube. Para sa mga kadahilanang pang-seguridad, ipinagbabawal ng PCSO ang

pagkakakilanlan ng mga nanalo.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page