top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Magandang huni ng ibon, pahiwatig na magiging singer ang anak

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 28, 2021
2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 28, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Daniel ng Bulacan.


Dear Maestra,


Isa ako sa mga palaging nag-aabang ng column ninyo, kaya maaga akong pumupunta sa bayan para bumili ng BULGAR dahil mabilis din itong maubos. Kaya lang, nalungkot ako nang isang araw dahil hindi na-publish ang kolum ninyo. Sa totoo lang, napakaganda ng inyong kolum, kaya sana ay araw-araw namin itong mabasa dahil bukod sa nalalaman namin ang kahulugan ng mga panaginip, nakakapulot din kami ng advice kung ano ang dapat gawin kapag hindi maganda ang kahulugan nito.


Isa akong magsasaka at binata hanggang ngayon. Napanaginipan ko na kagabi, nadagdagan ang lupang aking sinasaka dahil ipinagbili sa akin ng kapitbahay ko ‘yung lupa niya sa bukid na malapit sa sinasaka ko. Nang puntahan ko ‘yung lupa, may nakita akong ibon na humuhuni. Ang ganda ng huni ng ibon na para bang wine-welcome ako sa bukid na ‘yun o sa bagong lupa na aking sasakahin. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,


Daniel


Sa iyo, Daniel,


Maraming salamat sa pagsubaybay mo sa aking kolum.


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nadagdagan ang lupang sasakahin mo dahil ipinagbili ng iyong kapitbahay ang lupa niya sa iyo ay kasaganaan at kaunlaran sa buhay sa darating na mga araw. Ibig sabihin, uunlad at pagpapalain ka na, gayundin, hindi ka na daranas ng kagipitan sa buhay.


‘Yun namang ibon na nakita mo sa bukid na humuhuni na para bang wine-welcome ka sa bagong lupa na nabili mo, nangangahulugan ‘yan ng kalusugan ng katawan at kasaganaan o good health and prosperity. Kung binata ka pa, ito ay nagpapahiwatig na makakapag-asawa ka ng mayaman at magkakaroon kayo ng maraming anak. Isa sa mga anak ninyo ay magiging mang-aawit.


Magiging singer o vocalist siya.



Matapat sa sumasaiyo,


Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page