top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Magaling daw pala siyang pumili ng lalaki… RHIAN, TODO-BILIB AT MAS NAINLAB KAY SAM NANG MATALONG MAYOR NG MAYNILA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 11, 2025
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 11, 2025



  • Sam Verzoaa at Rhian Ramos - IG

Photo: Sam Verzosa at Rhian Ramos - IG


Mas lalong nadagdagan ang pagmamahal at paghanga ni Rhian Ramos sa boyfriend na si Sam Verzosa nang makita niya kung paano nito na-handle ang pagkatalo nitong nakaraang midterm elections.


Matatandaang tumakbo si SV bilang mayor ng Maynila subali’t hindi nga ito pinalad na manalo.


Sey ni Rhian, talagang sobrang stress and anxiety ang inabot niya bago pa man ang May 10 elections at hanggang sa paggising niya nu’ng araw ng botohan mismo.


“Sobrang nag-grow ‘yung respect ko para sa kanya to see the way he handled it. Kasi ‘yung ikinakatakot ko building up to election day at saka grabe talaga ‘yung stress ko saka ‘yung anxiety ko paggising ko pa lang nu’ng araw ng eleksiyon, kasi parang I felt like this day will going to change our lives,” pahayag ng aktres nang makatsikahan namin sa grand mediacon ng upcoming film niyang Meg & Ryan (M&R) opposite JC Santos.


“S’yempre, I want to see him happy, I want to see him win, pero also, kung matalo s’ya, I don’t want to see my love na heartbroken s’ya. At saka, hindi mo rin mape-predict kung makakabangon s’ya o hindi. Hindi mo naman alam, eh.


“So, natatakot talaga ‘ko sa reality na ‘yun,” dagdag ni Rhian.

Pero nang makita raw niya kung paano na-handle ni Sam ang pagkatalo, nawala na ang lahat ng kanyang takot at napalitan iyon ng ibayong respeto.


“Talagang ipagmamalaki ko talaga. Actually, ikinuwento ko talaga sa mommy ko, ‘Grabe, hangang-hanga talaga ako kay Sam. Parang mas lalo nga ako na-in love, eh.’


“And it’s such a blessing nga na nakita ko kung paano s’ya mag-handle ng something you would call a failure.


“Kasi, he picked himself up. He actually looked better, bumango, gumuwapo. He acts good, he has a smile on his face, he acts like a winner. He loses like a winner,” proud na sabi ni Rhian about Sam.


“So ‘yun, grabe lang talaga na I’m so blessed to have witnessed that kasi parang nag-grow talaga ‘yung love and respect ko for this man,” sey pa ng aktres.


Nagbiro pa si Rhian na ngayon daw niya na-realize na magaling pala siyang pumili ng lalaking mamahalin.


Samantala, very grateful si Rhian na ang daming blessings na dumating sa kanya this year. Sunud-sunod ang projects niya at talagang napaka-visible niya ngayon.


“Every year ko naman ina-announce na ‘It’s my year,’ pero this year talaga, na-feel ko ‘yung growth saka ‘yung blessings sa ‘kin ni Lord, sunud-sunod na dumarating.


“Sobrang thankful ko talaga like minsan, naiiyak ako, gratitude kasi, hindi ko naman (naisip) na parang magkakaroon ako ng mga ganitong klaseng opportunities. I just feel very excited at saka itong taong talagang ito, ang dami kong mga blessings maging sa personal ko man na buhay, sa career ko, sabay-sabay lahat,” saad ni Rhian.


Sa pelikulang M&R, ayon sa aktres ay kakaibang Rhian naman ang mapapanood ng mga tao bukod pa nga sa first time niyang nakatrabaho si JC.


Ayon kay Rhian ay nag-enjoy siya doing the film at puring-puri niya ang kanyang leading man.


“Napaka-generous niya as an actor. If there’s anything that he can do to help you, he will,” papuri niya kay JC.


Para naman sa aktor, very proud daw siya na nakatrabaho si Rhian at isa raw talaga ito sa mga nasa listahan ng kanyang bucket list.


“Working with Rhian, ako, until now, I’m still honored, I mean, this is Rhian Ramos. Isa s’ya sa parang check sa bucket list na sana makatrabaho ko and it’s happening now.


“At nakita ko ‘yung process n’ya, nakita ko kung paano s’ya makapagtrabaho and I enjoyed every moment of it. At nakita ko ‘yung dedication kung paano niya ibigay ‘yung truth nu’ng scene. So ako, super-sulit sa akin ‘yun,” pahayag naman ni JC.


Ang Meg & Ryan ay kuwento ng love story nina Meg (Rhian) at Ryan (JC). Kung paano sila nagkatagpo sa hindi inaasahang pagkakataon at ang resulta ng aksidenteng pagkikita na ito.


Showing na ang nasabing romantic-comedy film sa mga sinehan nationwide simula sa August 6 mula sa direksiyon ni Catherine Amarillo under Pocket Media Productions. 

Kasama rin sa pelikula sina Cedrick Juan, Ces Quezada, Cris Villanueva, and Jeff Gaitan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page