top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mag-uuwi ng korona, si Cone o si Goorjian?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 15, 2023
  • 1 min read

ni Clyde Mariano @Sports | January 15, 2023



Tuluyan na kayang maparalisa ng Barangay Gin Kings ang Dragons ng Bay Area at bawiin muli ang korona sa PBA Commissioner’s Cup na huli nilang hinawakan noong 2018?


Magagawa kaya ng Bay Area na maging pangatlong foreign team na nag-champion sa PBA at duplikahin ang ginawa ng Nicholas Stoodley noong 1980 at NCC noong 1985?


Magkakaroon ng tumpak na kasagutan ang dalawang katanungang ito ngayong Linggo sa bakbakan ng Kings at guest team sa winner-take-all Game 7 Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.


Ang momentum ay nasa guest team sa kanilang panalo sa Game 6. Tiyak gagamitin ni coach Brian Goorjian ang bentahe nang talunin ang crowd favourite Ginebra at dalhin sa Hong Kong ang korona sa Commissioner’s Cup. Tinalo ng Dragons ang Kings sa Game 6, 87-84, at ipilit ang “you or me” ngayong gabi.


Muling magkakasubukan sina Justin Brownlee at Myles Powell sa huli nilang paghaharap sa court at malalaman kung sino sa kanila ang pinakamagaling import. Target ni Brownlee ang perfect 6-of-6 title campaign sa Gins nang tanghaling pangatlong beses na best import of the conference kasosyo si Scottie Thompson na best local player.


Dalawang mahalagang bagay kung bakit gustong mag-champion ni Cone at makuha ang 26th PBA title, iyon ay ang panatilihin ang magandang reputasyon at maging pinakamatagumpay na coach sa PBA. Pangalawa bilang advance birthday gift kay Japeth Aguilar na mag-37 anyos na sa Enero 25. “There’s no turning back but to fight until the end and reclaim the title and keep the crown right in our own backyard,” sabi ni Cone. “I reminded my players to play superior and give their best shots one more time.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page