top of page
BIDA - CUP OF JOE, IPINABOBOYKOT SA DAVAO, BABATUHIN NG DURIAN NG MGA DDS-FB Cup of Joe.jp

Mag-uutol, nagkatawanan na lang… 2 ANAK NI TSONG JOEY SA MAGKAIBANG BABAE, HALOS PAREHO ANG BIRTHDAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | May 18, 2026



TALKIES - 2 ANAK NI TSONG JOEY SA MAGKAIBANG BABAE, HALOS PAREHO ANG BIRTHDAY-IG _teressitassen

Photo: IG _teressitassen



Masayang kuwentuhang pampamilya ang naging ganap sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nang mag-guest ang mag-amang sina Joey Marquez at Winwyn Marquez.


Sa panayam ng King of Talk na si Boy Abunda ay napag-usapan ang tungkol sa dasal ng mahusay na aktor na si Joey Marquez para sa kanyang 16 na anak.

Tanong ni Boy kay Winwyn, “Ano’ng mga namana mo sa dad?”


Sey ni Winwyn, “He’s very caring, eh. And like what he said, I think si Daddy is very intentional to begin with. Before pa naman kahit bata pa kami, he knows kung ano ‘yung dapat n’yang sabihin, bakit n’ya sinasabi ‘yun. And I think, ‘yun ang namana ko sa kanya. Lalo na nu’ng nag-aaral kami, he’s very intentional with what he tells us. Siguro, ‘di ako magiging ganito kung ‘di dahil sa kanya.”


Tanong ni Boy kay Tsong Joey, “Ano naman ang ipinagpapasalamat mo sa Diyos na ‘di namana ni Winwyn?”


Saad ni Joey, “Alam mo na ‘yun. Hahaha!”


Tinanong ni Boy si Winwyn kung minsan ba sa buhay nito ay kinuwestiyon ang kanyang ina at ama kung bakit ang dami nilang magkakapatid. 


Sey ni Winwyn, “No, we had fun sa house namin together. Kasi even kay Kuya Vandolph (Vandolph Quizon), kasama ko rin s’yang lumaki. Kuya Mark (Mark Anthony Fernandez), kasama kong lumaki. We really had a fun household and kasi si Daddy, lagi niyang sinasabi, ‘wag kayong magagalit sa kapatid n’yo, ‘wag n’yo silang tawaging half-brother, half-sister, kapatid n’yo sila. And hanggang ngayon, even my sister in the States, we still connect with each other.”


Tanong ni Boy kay Joey, “Paano mo ipinaunawa sa ‘yong mga anak ang lahat ng ‘to?”

Saad ni Joey, “Inamin ko sa kanila na nagkamali ako. Because in my darker years, I was young. Sabi ko sa kanila, ‘Siguro, sa pagkakamali kong ‘to, tulungan n’yo naman ako na mabawi ko ang pagkakamali ko by accepting your brothers and sisters.’ At saka, pantay-pantay ang tingin ko sa kanila.”


Hirit na tanong ni Boy, “Joey, walang pumalag? Walang nagalit? Walang nagsabi ng, ‘Dad, bakit ganu’n?’”


Saad ni Joey, “Wala. I’m a very lucky father. Minsan nga, lumabas pa sa joke, eh. Kuwento mo, Winwyn.”


Sey naman ni Winwyn, “So, nag-uusap-usap kaming magkakapatid. Kumpleto kami. Me and my sister, same kami ng birth month. ‘Yun na lang po. Same kami ng birth month. Ang tanong namin sa kanya, ‘Daddy, bakit malapit ang birthday namin? Bakit magkasunod kami?’”


Dagdag na tanong ni Boy, “Parehong year?”

Sey ni Winwyn, “Parehong year. Sabi lang ni Daddy, ‘It’s a miracle.’”

Saad naman ni Joey, “Nagtawanan lang.”


Sey pa ni Winwyn, “I think we were eating dinner with everyone. We just laughed about it.”

Tanong ni Boy kay Joey, “Paano mo sinisiguro na pantay-pantay sila at walang nakakaramdam na mas malapit kay Dad?”


Saad ni Joey, “Siguro, unang-una, palagi ko silang tinatawagan as much as possible. Merong sumasagot, merong ‘di kasi busy. Pangalawa, ‘pag meron silang affair, I’ll make sure na pinupuntahan ko. Pangatlo, every Christmas, gusto ko, sama-sama kami. At kung may kailangan, kahit paano, in my own little way, gagawin ko ‘yun, gagampanan ko.”


Well, in fairness talaga kay Joey Marquez, pagdating sa pagiging ama ay napakahusay niya. ‘Di ba naman, friendship, Alma Moreno?





NAIUWI ng hit family drama film ng Star Cinema na Meet, Greet & Bye (MGB) ang Box Office Ensemble at Top Grosser awards mula sa Cine Expo 2026 na ginanap noong Mayo 12.


Sa pangunguna ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), kinilala ng Cine Expo 2026 sina Piolo Pascual, Joshua Garcia, Belle Mariano, Juan Karlos, at Maricel Soriano para sa kanilang husay at tagumpay sa takilya ng pelikula na mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Sampana. 


Dumalo si Belle sa nasabing event at tinanggap ang pagkilala para sa cast at production team.


Dito rin inanunsiyo nina Belle Mariano at Donny Pangilinan ang sorpresang special ticket prices para sa upcoming film nila na Tayo Sa Wakas, na pinangungunahan din ni Direk Cathy bilang pagdiriwang ng ika-33 anibersaryo ng Star Cinema.


Magkakaroon ng discounted ticket rates sa ilang SM Cinemas, Ayala Malls Cinemas, Vista Cinemas, Gateway Cineplex 18, Robinsons Movieworld, Megaworld Cinemas, Shangri-La Plaza, Fisher Mall, NCCC Mall, at Sta. Lucia Mall branches sa pagbubukas ng pelikula sa mga sinehan sa Mayo 27 (Miyerkules).


Mapapanood ang Tayo Sa Wakas eksklusibo sa mga sinehan sa bansa simula Mayo 27 at mapapanood din sa mga sinehan sa iba’t ibang bansa simula Hunyo.

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page