Mag-uutol, ‘di raw naghahabol… LOTLOT KAY IAN: MANA NI NORA, IYUNG-IYO NA!
- BULGAR
- 10 hours ago
- 5 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 21, 2026

Photo: IG _ms.lotlotdeleon & Fast Talk With Boy Abunda
Hindi na nga nakapagpigil si Lotlot de Leon at sumabog na ang kanyang galit sa kapatid na si Ian de Leon.
Sa mediacon ng upcoming film ng aktres na 40 Days mula sa direksiyon ni Louie Ignacio under LVD Productions, emosyonal niyang sinagot ang mga pahayag ni Ian sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) last Friday.
Sa pagsisimula pa lang ng presscon, halatang nagtitimpi na ang aktres at gusto nang magsalita. Aniya, umuusok daw ang kanyang tenga nang mga sandaling iyon.
That time kasi ay katatapos lang ng show ni Boy Abunda kung saan nga nag-guest si Ian.
Ayon sa aktor sa nasabing panayam, napag-usapan nila ng kanyang mga kapatid ang tungkol sa pagtatayo ng Nora Aunor Foundation.
“We were gathered together. All five of us. I also wanted them involved. This was still a concept at the time. Wala pang OPC (One Person Corporation) noon.
“That time they were not ready because it was still a concept. But I told them I would pursue this and I am willing for everyone to be on board. I told them. In fact there was a meeting over Zoom. Matet was there. She was aware,” saad ni Ian.
Sinabi rin ni Ian na magiging fair siya sa mga kapatid tungkol sa mana ng kanilang pumanaw na ina at idadaan ito sa legal na proseso.
“Of course, definitely. For me, I would do things that need to be done now. I have to keep our focus in extending and doing what needs to be done,” sey ni Ian.
“Just to make things clear, the mana issue, things take time. It is not like your mother passes today, next week, may mana na. Everything has to be dealt with legally. I need a crash course on legalities for this to have order and structure,” pahayag ni Ian.
Sa mediacon ng 40 Days, humingi muna ng permiso si Lotlot sa kanyang LVD family at mga co-stars na sina Dina Bonnevie, Snooky Serna, Lloyd Samartino at Elizabeth Oropesa bago siya nagsalita about Ian.
“Ian was interviewed before I came here. He was in Fast Talk with Boy Abunda. ‘Di ko s’ya nakausap nang isang taon na. Ian and I have not spoken in one year,” simula ni Lotlot.
“So many things have been said about me, about Matet, about my two brothers. I have never said anything. Why? Because inirerespeto ko pa rin ang mommy ko. At inirerespeto ko ang daddy namin na si Christopher de Leon,” aniya.
Marami na raw ibinatong panlalait at mga akusasyon sa kanya ang mga tao mula pa noong nabubuhay pa ang kanilang ina at never daw siyang nagsalita.
“If that makes you happy, so be it. Pero ang ‘di ko mate-take ay ang isang sinungaling na tao,” saad niya.
Una niyang kinlaro ang tungkol sa ‘mana’ issue.
“Let me be clear. Wala akong hinahabol na mana, wala akong hinihinging mana. Ni piso, wala. Kaya kong magtrabaho at magpakahirap, magpuyat,” aniya.
“Kung ano man ang naiwan ni Mommy, mga lupain n’ya sa Bicol, ‘yun lang ang meron s’ya,” saad pa ng aktres.
“Wala namang ibang naiwan ang Mommy kung hindi ‘yun lang,” dagdag niya.
Ikinuwento ni Lotlot na kinausap niya si Ian pagkatapos ng libing ng kanilang ina tungkol sa mga properties na ito.
“After Mommy died and after she was buried, to be honest, kinausap ko si Ian nu’ng pagkalibing ni Mommy, after a few weeks.
“Tinanong ko s’ya, ‘Ian, are you willing to share the properties of Mommy with us?’ And tinanong ko ‘yan without Matet, Kiko and Ken knowing. Why? Kasi, naaawa ako sa tatlo, eh.
“‘Di para sa akin kundi para du’n sa tatlo kong kapatid. Dahil wala namang iniwan si Mommy sa kanila. And tanggap naman namin na kung ano’ng meron si Mommy, kay Ian ‘yan. Walang nanghihingi n’yan, walang nang-aagaw.
“At sinabi ko kay Ian, ‘If you’re willing to share the properties of Mommy with us, maraming salamat. Kung hindi, okay lang, walang problema,’” sey ni Lotlot.
Tinanong din daw niya si Ian tungkol sa pagtatayo ng foundation para kay Ate Guy upang maipagpatuloy ang legacy ng kanilang ina.
“Ano’ng sinabi n’ya? ‘I’m not ready, wala akong ilalabas na pera.’ At lahat ng usapan namin ni Ian, nasa text ‘yan, may kopya ako. Sabi n’ya, ‘‘Di ko pa kaya ngayon.’ Sabi ko, ‘Okay.’ Inirerespeto ko ‘yun,” pag-alala pa ng aktres.
Pero nang magkausap daw sila ulit nina Matet, Kiko at Ken ay sinabihan siya ng mga ito na magtayo na sila ng foundation. At kinausap daw niya ulit si Ian tungkol dito dahil ang gusto niya ay kumpleto silang lima sa pagtatayo nito.
“Sabi n’ya, ‘Hindi, go ahead, do it, gawin n’yo, susuportahan ko ‘yan.’ Ang sabi n’ya sa akin, ‘‘Pag ready na ba ako, puwede ako sumali?’ Sabi ko, ‘Oo, Ian, kasi atin ‘to, for the legacy of Mommy.’
“Ano ba ang legacy? Ang legacy ni Mommy is ang pagtulong sa kapwa, hindi ba? ‘Yun lang naman ang gusto kong ituloy. ‘Di para pagkakitaan ng kahit ano. In fact, ako pa nga ang maglalabas, ako ang maghihirap para maghanap ng pera para magtayo ng foundation,” aniya.
Nang maitatag na raw ang foundation ay naglabas ng statement si Ian na hindi niya alam ang tungkol dito at hindi siya pumapayag na magtayo ang kahit sino ng foundation in the name of his mom.
“Du’n ako nasaktan. Bakit? Kasi alam n’ya ang lahat. So, ‘di ko maintindihan kung bakit puro kasinungalingan ang lumalabas sa bibig mo, Ian?” emosyonal na sabi ni Lotlot.
Itinanggi rin ng aktres ang sinabi ni Ian na ipinaalam daw sa kanilang magkakapatid ang plano nito na magtayo ng one-person corporation (OPC).
“He never told us, he never shared anything with us at all. Wala s’yang ishinare, wala s’yang sinabi, wala s’yang ikinuwento,” aniya.
Sigaw niya, “Sa kanya na lahat! Wala akong hinihingi, wala kaming hinihingi, wala kaming inaagaw, walang inaagaw si Matet. He can have it all!
“Kasi para sa akin, sapat nang natawag kong Mommy si Nora Aunor. Sapat na na pinalaki ako ng isang Superstar. Sapat na na nabigyan ako ng pangalan ni Mommy. He can have it all!
“Galit ako! Galit na galit ako. Buong buhay ko, isinakripisyo para sa mga kapatid ko, tapos sisirain mo lang!”
Tumayo na si Lotlot habang patuloy pa rin ang paghagulgol at sa puntong ito ay niyakap na siya ng mga co-stars niyang sina Snooky at Miss Elizabeth Oropesa, na umiiyak na rin. Ang anak niyang si Diego Gutierrez, na kabilang din sa cast ay inalalayan din siya.
Hindi na natapos ni Lotlot de Leon ang presscon dahil sa matinding emosyong nararamdaman niya noon. Pinauwi na rin siya ng kanyang management kasama ang anak.

