top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mag-inang smuggler, untouchable sa Customs

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 15, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 15, 2021


PATI KANTA, NINANAKAW NA SA ‘PINAS—Naghihimutok si singer-composer Freddie Aguilar dahil may mga alagad daw ng pulitiko ang “nagnakaw” ng kanyang kinompos na kanta.


Kaya nasabi ni Freddie Aguilar na ninakaw ay dahil hindi ipinagpaalam sa kanya na gagamitin itong jingle song ng pulitiko.


‘Susmaryosep, nakababahala na nangyayari sa ‘Pinas kasi pati kanta, ninanakaw na, boom!


◘◘◘


MAY KABATAANG PANATIKO NG MGA PULITIKO ANG SUMISIRA SA “KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN”—Ang kasabihang “kabataan ang pag-asa ng ating bayan” na itinanim ni Gat Jose Rizal sa mga Pilipino ay sinisira ng ilang kabataan na panatiko ng mga kawatang pulitiko.


Sa social media ay may kabataan ang nagpo-post at nagko-comment sa Facebook na ang iboboto nila sa eleksiyon ay ang kandidato na bagama’t korup ay meron namang nagagawa.


Kunsabagay, kaunti lang sa kabataang panatiko ng mga korup na pulitiko ang nagsasabi nang ganyan, kaya dapat magkaisa ang mayoryang kabataan na ibasura sa eleksiyon ang mga pulitikong may history ng pagnanakaw para hindi masira ang nasabing kasabihan, period!


◘◘◘


ISA LANG ANG MAGKAROON NG VIRUS SA MINI-CASINO NI ALYAS PATRICK, HAWA-HAWA NA ‘YAN—Dinaragsa at nakukumpul-kumpulan ang mga sugarol sa binuksang mini-casino ni alyas Patrick sa Legarda, Baguio City.


Dapat ipa-raid agad ni Mayor Benjamin Magalong ang pasugalang ‘yan kasi isa lang sa mga nagsusugal ang madale ng virus, paniguradong maghawa-hawa na ‘yan at baka dahil d’yan ay tumaas na naman ang kaso ng COVID-19 cases sa lungsod, nakupo!


◘◘◘


PALAGING UNTOUCHABLE ANG MAG-INANG SMUGGLER KAHIT SINO ANG MAGING CUSTOMS COMMISSIONER—Nagbalik-operasyon na naman ang smuggling activities sa Customs ng mag-iinang “Tina U” at “Bebang”.


Itong mag-inang smuggler, nakapaka-untouchable sa Customs kasi kahit sinong maupong Customs commissioner, walang humuhuli sa kanila sa adwana, pwe!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page