ni Beth Gelena @Bulgary | June 12, 2024
Ang daming nang-bash kay Jolina Magdangal after niyang mag-comment ng “Mapagmahal sa family” si Carlo Aquino sa kasal ng aktor kay Charlie Dizon kamakailan.
Post ni Jolina sa kanyang Instagram (IG) Stories, “Sabi ni April (totoong pangalan ni Charlie) sa vows n’ya, totoo raw pala ang manifesting. Gusto ko lang i-share na isa ako sa nag-manifest para sa forever n’yo. At 'yung mga sinabi ni Kaloi (Carlo) sa vows naman n’ya kung paano n’ya iingatan, aalagaan at mamahalin si April, alam na alam ko na puso niya ang nagsasalita.
“Thankful ako na na-witness ko ang kanilang pag-iisang-dibdib.
“Sarap maka-witness sa mga kaibigan na pa-forever, tapos kasama ko ang aking forever (love you, Mahal).”
Komento ng isang netizen: “Mapagmahal sa pamilya? Ang unang pamilya, inabandona na.”
Marami ang umayon dito at inulan ng mga nega comments si Carlo.
Pero may dumepensa naman kina Carlo at Charlie, “Puro kayo kawawa si Trina (Candaza). Hindi n’ya ako hater at mas lalong hindi ako fan ng dalawa, pero sana, isipin n’yo, mas kawawa si Trina, Carlo at anak nila kung patuloy silang magsasama nang dahil lang sa bata, pero hindi na sila masaya. Lalaki ang bata na puro na lang away ang magulang n’ya. Isa pa, ‘wag n'yong isisi kay Carlo ang lahat dahil lahat naman tayo, may ugaling pangit na itinatago siguro.”
Sagot ni Jolens, “Salamat sa malawak na pang-unawa.”
Well, sino ba tayo para husgahan si Carlo, sila lang naman ni Trina ang nakakaalam ng totoong naging problema nila kaya sila nauwi sa hiwalayan.
PINASALAMATAN ni Heart Evangelista ang mga Senate spouses na sumama sa kanya sa first field work niya na unang ginanap sa Caloocan City.
Sa kanyang Instagram (IG) account ay nag-post siya ng una nilang destinasyon para sa kanilang SSFI project.
Aniya, “SSFI visited the Tahanang Mapagpala Social Development Center in Caloocan City today.
"We checked on the center’s residents and delivered personal comfort kits and other daily essentials that we usually overlooked.
“Built in 1997 by the SSFI to provide shelter for neglected, abandoned, and abused children, the center is now also home to abandoned elderlies.
“We thank the local government of Caloocan for maintaining the upkeep of the center and for opening it up to accommodate those who come knocking.
“SSFI will be here as a partner and will continue to deliver the fundamental purpose of service that was started by our predecessors.”
Pinasalamatan din niya ang mga volunteers na sumama sa kanilang unang proyekto.
Pahayag ni Heart, “More than the presents we shared, what really mattered is your presence, the time you spent with the kids and the lolos and lolas who lighted up and shared their stories to each one of us.”
Pinuri si Heart sa komento ng isang netizen: “Good that you documented this Ms. Heart so everyone would know that the foundation really helps and serves them. Because for detractors, damned if you do, damned if you don’t. Just give up the good work Ms. Heart.”
“You really have the HEART to help a genuine LOVE to show and be felt by this people who are in need, proud of you, we are here behind your back.”
“Proud of you, Heart! While I love your fashion week posts, these ones touch our hearts the most. Keep it up.”
“Great projects ahead. Congratulations!”
Comments