top of page

Mag-ex, nakunan ng piktyur… BARBIE AT JAK, TOGETHER AGAIN SA GMA 75TH ANNIV

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 2
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 2, 2025



Photo: Jak at Barbie - GMA


Nagkita at nag-usap ang ex-couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto sa 75th anniversary ng GMA noong isang gabi. 


Sabi ng mga nasa event, si Jak ang nakangiting lumapit kay Barbie, binati ang ex na nakangiti ring kinausap siya.


Pinuri ang dalawa dahil naghiwalay nang walang kontrobersiya. Sa simula lang ng breakup nila nagkaroon ng konting ingay, pero mabilis ding nawala. Tila mabilis natanggap ng mga fans na tapos na ang kanilang relasyon.


Dumadalo sa mga events ng GMA sina Barbie at Jak, kung magkita man, hindi sila nag-uusap at nagtitinginan lang siguro. Wala silang larawan na magkasama, kaya hindi alam ng mga netizens kung okey ba sila o hindi.


But this time, nag-usap sila at nakunan ng picture, kaya lang, nakatalikod si Barbie at si Jak lang ang nakaharap sa camera. Okay lang ito sa mga netizens, happy na sila…



NAGSALITA na si Matet de Leon sa rason ng kanyang pag-iyak habang nagla-live selling. Sa TikTok video, nilinaw nito na hindi siya naiyak dahil nahiya sa pagla-live selling, kundi dahil sa masasakit na comments ng mga netizens.


Nagla-live selling kasi si Matet ng Magnolia at Purefoods products at habang nagtatrabaho, may nag-comment ng “Wala na kayong project?” na gustong palabasin na kaya siya nagla-live selling ay dahil wala na siyang project. Nasundan pa ito ng isang comment na, “Suplada ‘to kaya iniwan ni Ate Guy,” na parang gustong tukuyin na masama ang ugali ni Matet.


Hindi nga napigilan ni Matet ang maiyak, pero sandali lang ‘yun dahil after ilang minutes, itinuloy din nito ang pagla-live selling. 


Pinuri ng mga netizens si Matet at kinondena ang mga walang respeto na basta na lang comment nang comment na hindi alam na nakakasakit na sila. Ang mga tao ring ito ang nagsabing walang masama sa ginagawa ni Matet na naghahanapbuhay lang.


Anyway, nagsalita na nga si Matet at tinawag na “walang puso’t napakawalanghiya,” ang taong nagkomento ng hindi maganda.


“Proud ako maging live seller, lalo na sa mga brands na pinaniniwalaan ko,” wika ni Matet. 

Nagpasalamat ito sa mga viewers at mga suki niya na suportado siya at bumibili ng produkto niya tuwing nagla-live selling siya.


“Kahit may pinagdaraanan ka, haharap ka pa rin kasi mahalaga ang trabaho mo, mahalaga ang mga taong naniniwala sa ‘yo,” sabi pa ni Matet.


Ikinatuwa ni Matet na marami ang nagtanggol sa kanya at sila ang umaway sa mga salbaheng commenters. Nanawagan sila ng respeto sa live seller, hindi lang kay Matet de Leon na malinis na naghahanapbuhay.



SA July 5 na sa New Frontier Theater ang finale ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition


Sa dami ng mga fans ng ‘Big 4’ at ng mga evicted housemates, parang hindi magkakasya ang New Frontier sa mga manonood. May pamilya at mga kaibigan pa ang mga housemates. Tanong nga ng mga fans, kakasya raw ba sila?


May nanawagan na sa Smart Araneta Coliseum gawin ang finale, kaya lang, para naman daw masyadong malaki. 


Ang mangyayari nito, pipili na lang siguro ang PBB ng mga fans ng bawat housemates (kasama ang evicted) at ‘Big 4’ na papapasukin sa venue para lahat may supporters.


Isa ang RaWi duo nina Ralph de Leon at Will Ashley sa ‘Big 4’ at nakakatuwa na suportado si Will ng mga fans ni Alden Richards at ng AlDub fans nina Alden at Maine Mendoza. 


Kaya sinusuportahan at pagkakagastusan ng mga fans ni Alden si Will dahil lagi nitong sinasabi na idol niya ang Pambansang Bae na ikinatuwa ng mga fans nito.

Ang AlDub fans naman, kaya suportado si Will ay dahil lagi itong nagtu-tweet tuwing may ganap sina Alden at Maine. Nagpe-pay forward daw sila. 


Katuwa nga dahil ang bawat tweet dati ni Will ay tutumbasan nila ng P100 votes for Will at sa ka-duo nitong si Ralph de Leon.


Anyway, pagkatapos ng PBB, manalo man o matalo ang RaWi duos, may career pa rin si Will. In fact, may pelikula siyang gagawin o ginawa na dahil kasama siya sa cast ng Bar Boys: After School (BB:AS). Nag-audition si Will two weeks bago siya pumasok sa PBB.


Gagampanan nito ang role ni Arvin, isang working law student. Gifted child siya, talented, smart at exceptional. Kaya lang, wala siyang pera, kaya hindi makasabay sa mga mapera niyang classmates.


Kasama sa movie sina Glaiza de Castro, Therese Malvar, Bryce Eusebio, Benedix Ramos at Royce Cabrera. Makakasama rin sa cast ang mga bida sa Bar Boys: After School (BB:AS) na sina Kean Cipriano, Enzo Pineda at Rocco Nacino. 

Si Kip Oebanda ang director ng pelikula.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page