Mag-asawang opisyal na sobrang ganid, humihirit ng 30% advance payment sa bawat proyekto ng DPWH...
- BULGAR

- Sep 15, 2020
- 2 min read
‘pag ‘di napagbigyan ay ipapa-stop ang project!
ni Chit Luna - @Yari Ka! | September 15, 2020
Naggigirian ngayon ang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga kongresista mula South at Metro Manila.
At sa anong dahilan? Ang walang kamatayang “SOP” o special operation procedure — ang termino sa porsiyento ng mga opisyal ng gobyerno. Kapag may kontratang isinasagawa ang mga opisyal ng gobyerno, normal na ang SOP para sa mga mambabatas.
Kapag may “pet project”, kukuha ang mga opisyal ng DPWH ng contractor para sa nasabing proyekto. Ngunit bago ibigay ang award sa contractor, dapat may maayos silang usapan — ang tumataginting na SOP!
Kadalasan, ibinigay agad ang SOP sa contractor at sa opisyal ng bawat ahensiya. Kapag mabait ang kongresista ay 15% ang hihingin niya at papantayan din ito ng porsiyento ng opisyal ng DPWH. Normal na ang ganitong kalakaran sa mga ahensiya ng ating gobyerno. Tsk!
Ngunit, kamakailan ay nagkairingan ang mga kongresista at ang opisyal ng DPWH dahil sobra raw ang pagkaganid ng isang babaeng mambabatas at asawa nito na dating kongresista.
Hiningan daw nila na ang isang opisyal ng DPWH ng 30% advance payment sa bawat proyekto.
Sino naman ang makapagbibigay ng 30% sa mag-asawa, eh, paano naman ang ‘for the boys’ ng DPWH?
Dahil dito, galit na galit ang mag-asawang kongresista, na ang siste ay ipinahinto nila ang infra-project kung hindi maibibigay ang 30% na SOP sa kongresista.
Dahil sa pagkontra ng mga opisyal ng DPWH, pinag-initan ito at ipinatatangal sa puwesto bilang district engineer.
May dahilan daw para maging sobrang ganid ang kongresista — isa sa kanila ay tatakbong alkalde ng isang lungsod. Maunlad ang siyudad at maraming proyektong imprastruktura. Siyempre, marami ring POGO rito na makukuhanan nila ng milyung-milyong intelehensiya kapag nanalo ito sa puwesto.
Knows n’yo ba ang ating mga bida? Kilala ninyo ‘yan dahil sikat sila sa pagiging matakaw sa proyektong imprastruktura. Ang tawag sa kanila ng mga constructor ay “SOP lang ang katapat niyan, highest bidder... winner.”








Comments