Mag-asawang nagpositibo sa COVID-19 sa Taiwan, galing sa ‘Pinas
- BULGAR

- Aug 9, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | August 9, 2020

Kinumpirma ng health authority ng Taiwan na ang dalawang bagong naitalang kaso ng COVID-19 ay nanggaling umano sa Pilipinas.
Parehong 60 taong gulang at mag-asawa ang nakumpirmang nagpositibo sa COVID-19. Umuwi umano ang mag-asawa sa Taiwan noong Aug. 6 galing sa Pilipinas ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC) ng Taiwan.
Nakaramdam ang lalaki ng lagnat, sipon at fatigue noong July 23 habang ang asawa naman ito ay nakaranas ng pangangati ng lalamunan at ubo noong Aug. 3.
Dagdag pa ng CECC, nawala umano ang mga sintomas matapos uminom ng gamot ngunit, hindi umano nanghingi ng medical attention sa Pilipinas.
Pagdating sa Taiwan ay saka lamang boluntaryong inireport ang mga sintomas na nararamdaman kaya agad na sumailalim sa confirmatory test at quarantine.
Inilabas ang resulta ng mag-asawa nitong Sabado, 2 linggo na ang nakalilipas nang makapagtala ang Taiwan ng 4 na kaso ng COVID-19 na may travel history sa Pilipinas.





Comments