top of page
Search
  • BULGAR

MAG-ASAWANG BEAUTY SURGEON, MATAGAL NANG HIWALAY DAHIL SA 19-ANYOS NA BABAE NI DOC

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 06, 2023



Blind item:


Nalungkot kami sa balitang nakarating sa amin tungkol sa sikat na mag-asawang beauty surgeon.


A very reliable source told us na matagal nang hiwalay ang mag-asawa. Pero wala raw nakakaalam kundi sila lang mismo at ang kanilang mga anak.


Paano kasi, tuluy-tuloy pa rin ang operasyon ng beauty clinic ng mag-asawa. Business partners pa rin sila, magkaiba nga lang daw ng schedule.


Nakatira si female doctor with their children sa isang condo sa Makati, while si male doctor ay sa ibang condo naman, pero halos sa same area lang din.


Pareho raw silang 'di sang-ayon na mag-file ng annulment. Ayaw daw kasi ng dating couple ang kumplikadong sitwasyon.


Third party ang dahilan ng hiwalayan. Nagloko si male doctor, matagal nang may karelasyon na 19-year-old non-celeb girl.


Nangyari pala ang lahat nu’ng umuwi sa Amerika si female doctor kung saan nag-stay siya roon nang matagal.


Hindi raw knows ni male doctor na umupa ng private investigator ang kanyang misis, kaya wala siyang kawala at na-Julie Vega (read: huli) siya sa kanyang pambababae.


As for their children, okey na rin daw sa kanila na maghiwalay ang parents nila dahil madalas din namang mag-away.


Ang nakakalokah nito, hiwalay na rin si male doctor sa naging third party nila ni female doctor. At sa pagkakaalam ng aming source, may bago na raw girlfriend si male doctor.

Chickboy pala si Doc, ha?



0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page