top of page
TEKA NGA - DIREK DARRYL, SHOCKED NA MAGALING UMARTE AT MATALINO SI SARAH_FB Circulated.jpe

Mag-ama, natagpuang patay sa loob ng bahay

Writer: BULGAR
BULGAR
18 hours ago
1 min read

ni Janice Baricuatro @News | November 10, 2026



Mag-ama sa Brgy. Delas Alas patay - Ge. Mariano Alvarez-MPS - Circulated

Photo: Gen. Mariano Alvarez-MPS - Circulated



Kapwa wala nang buhay nang matagpuan ang mag-ama sa loob ng kanilang bahay sa Pasong Saging A, Brgy. De Las Alas, General Mariano Alvarez (GMA), Cavite, kamakalawa ng hapon.


Kinilala ang mga biktima na sina Carl, 48, at anak nitong si Angel, 22, na kapwa nadatnang duguan sa sahig ng kanilang bahay.


Sa paunang imbestigasyon, nagtatrabaho sa Maynila ang maybahay na si Juliet, nang tawagan nito ang kapatid na si Rosalinda, upang tingnan ang kanyang mag-ama matapos hindi makontak ang mga ito sa telepono.


Ilang beses na umanong kumatok at tumawag si Rosalinda ngunit walang sumasagot. Sinilip niya ang loob ng bahay gamit ang cellphone at sa video ay nakita ang mga paa ng pamangkin. Binuksan niya ang bahay matapos basagin ang bintana at doon bumungad sa kanya ang mag-amang nakahandusay malapit sa kusina at banyo, at kapwa duguan.


Hindi pa matiyak ang eksaktong sinapit ng mga biktima pero nagsasagawa na ng imbestigasyon ang GMA Municipal Police Station at humingi na rin ng tulong sa Scene of the Crime Operatives para sa pagsusuri sa crime scene. Kinukuha rin ang salaysay ng mga posibleng saksi upang matukoy ang suspek at motibo sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page