top of page
Search
  • BULGAR

Mag-aasawa na?... ANGELICA, LAST TELESERYE NA ANG WALANG HANGGANG PAALAM

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 5, 2021





Tinupad ni Angelica Panganiban ang sinabi niya last year na titigil na siya sa paggawa ng soap opera pagkatapos ng Walang Hanggang Paalam. Pero, nilinaw naman niyang hindi pa siya magpapaalam sa ABS-CBN.


"Gusto ko nang magpaalam sa larangan ng teleserye, so maraming salamat sa lahat ng nagawa kong projects sa ABS. I am not leaving ABS-CBN, pero siguro, hanggang dito na lang ang trabahong gagawin ko sa soap opera. Oh, 'di ba, ang sarap panoorin dahil huling project ko na ito?" lahad ng Kapamilya actress.


Paliwanag pa ni Angelica, "Hindi 'yun overnight decision na parang may presscon ako bukas, gagawa ako ng pasabog at sasabihin ko ito. Ilang taon 'yun na iniisip."


Ang kasama ni Angelica sa Walang Hanggang Paalam ay sina Zanjoe Marudo, Arci Muñoz and Paulo Avelino.


Salaysay pa ng aktres, "Kasi kapag nandoon ka sa bigat ng trabaho, mapapaisip ka na, 'Bakit ko ba ito ginagawa at pinapagod ko sarili ko?' To think na simula six years old, pinapagod ko na ang sarili ko. So, parang kelan ka titigil?"


Habang pinag-iisipan daw niyang mabuti ang desisyon, maraming tanong ang pumapasok sa isipan niya.


Bulalas niya, "May mga questions ako sa sarili ko na, 'Ano pa ba 'yung gusto mong i-prove lalung-lalo na pagdating sa teleserye?' Hindi naman sa nawawalan ako ng gana, kaya lang, ayokong umabot ako ru'n na hindi ko na gusto 'yung ginagawa ko bago ko siya tigilan. Gusto ko siyang iwan na may mataas na respeto ako at magagandang memories doon sa mga nagawa kong projects. Hindi 'yung may mapapanood tayo tapos sasabihin ninyo, 'Ay, oh, nilalaro na lang kasi ayaw na niya.'"


Naniniwala siyang naibigay naman daw niya nang 100% ang best niya sa lahat ng teleseryeng ginawa niya.


Ang tanong tuloy ng mga netizens, ‘di raw kaya may plano nang mag-asawa si Angelica?


‘Yun daw kaya ang dahilan kung bakit ang inilagay na caption ng aktres nang i-announce niya in public ang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan ay: "Sana, eto 'yung pelikulang ‘no ending.’"


Anyway, nasa edad na rin naman ang aktres. Siguro nga, this is the right time na bigyan niya ng oras ang tungkol sa kanyang love life.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page