top of page
Search
  • BULGAR

Mag-aagawan sa liderato ang Cool Smashers at Speed Hitters

ni Gerard Arce - @Sports | August 6, 2022



Mag-aagawan para sa liderato ang local teams na PLDT High Speed Hitters at Creamline Cool Smashers sa paghaharap sa main game, habang susubukang makasungkit ng unang panalo ng Army-Black Mamba at Cignal HD Spikers sa single round ng semifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference sa Ynares Centre Antipolo ngayong Sabado ng hapon.


May hawak na 2-0 kartada ang PLDT sa semifinals matapos ang dalawang sunod na panalo kontra Army at Cignal na kabilang sa five-game winning streak laban sa naghahanap ng back-to-back title na Cool Smashers sa tampok na laro ng 5:30 p.m., ngunit masasaksihan muna ang labanan ng mga kulelat na Army at Cignal sa unang laro sa alas-2:30 ng hapon.


Tiyak na pagbibidahan ni Mika Reyes ang PLDT katulong sina Dell Palomata, Jules Samonte, Toni Rose Basas, Fiola Ceballos, Erika Santos at Jovelyn Prado para magpatuloy ang pagrereyna sa liga bago kaharapinang guest team na Taipei King Whale ng Taiwan at Kobe Shinwa University ng Japan.


Pinayuko naman ng Creamline ang Army sa nagdaang laro sa four-set panalo matapos manguna si Tots Carlos sa 24 pts, katulong si Alyssa Valdez, Jema Galanza, Jeanette Panaga, Julia De Guzman, Celine Domingo at Michelle Gumabao.


Nagbalik sa paglalaro galing sa ankle injury si Ces Molina para sa Cignal, ngunit nabigo sa PLDT, gayundin ang nagbalik sa health and safety protocols ng apat na mga pambato na sina team captain Rachel Anne Daquis, Ria Meneses, Roselyn Doria, Claudine Troncoso, Jerrilli Malabanan, Angeli Araneta at playmaker Gel Cayuna.


Mga laro ngayong araw (Sabado)(Ynares Center Antipolo)2:30 n.h. – Army-Black Mamba vs Cignal HD Spikers;5:30 n.h. – Creamline Cool Smashers vs PLDT High Speed Hitters

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page