top of page
WINNER - MALE FAN, NAG-PROPOSE KAY ALEX EALA SA HARAPAN NG PADIR_FB Alex Eala.jpeg

Madre, sinipa at itinulak... Jewish man, absuwelto dahil sa problema sa pag-iisip

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 22 hours ago
  • 2 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | August 29, 2026



Yona Schreiber, 36 sinipa ang madre - The Guardian CCTV - Circulated

Photo: Circulated / The Guardian



Inabsuwelto ng korte sa Jerusalem ang isang Jewish man na umatake sa isang French nun matapos nitong mapatunayang nasa psychotic episode nang mangyari ang insidente.


Ayon sa Jerusalem Magistrates Court, itinulak at sinipa ni Yona Schreiber, 36, ang madre sa Old City ng East Jerusalem noong Abril. Nakunan ng CCTV ang insidente na agad nagdulot ng malawakang pagkondena.


Tumama ang ulo ng madre sa isang batong harang at nagtamo ng pasa sa mukha at binti. Kinasuhan si Schreiber ng assault na umano’y motivated ng hostility laban sa isang religious group.


Batay sa pagsusuri ng district psychiatrist, nasa psychotic state umano si Schreiber nang mangyari ang pag-atake at hindi siya maituturing na criminally responsible sa kanyang ginawa. Dahil dito, tinanggap ng prosecution ang rekomendasyon na siya ay ma-acquit at ma-admit sa psychiatric hospital.


Inatasan ni Judge Ofir Tishler ang pagkaka-admit ni Schreiber sa psychiatric facility nang hanggang anim na taon, sa halip na isailalim siya sa criminal punishment.


Mariing kinondena ng French Consulate sa Jerusalem ang pag-atake, habang tinawag naman ito ng direktor ng French Biblical and Archaeological School, kung saan researcher ang biktima, na isang “sectarian violence”.


Naglabadalism sa ilang church properties at mga alitan kaugnay ng pagkuha ng ilang lugar ng mga settler, habang sinasabi ng ilang church leaders na nanganganib ang matagal nang status quo sa mga banal na lugar.


Ayon sa 2025 report ng Rossing Center, isang Jerusalem-based organization na nagsusulong ng interfaith relations, nakitaan ng pagtaas ng lantad na hostility laban sa Christianity, na iniuugnay nito sa lumalalim na polarization at ultra-nationalist political trends.s din ng pahayag ang Israeli Foreign Ministry at tinawag na kahiya-hiya ang insidente.


Iginiit nitong nakatuon ang Israel sa pagprotekta sa freedom of religion at sa kaligtasan ng lahat ng religious communities sa Jerusalem.


Samantala, muling nabuhay ang pangamba sa umano’y pagtaas ng harassment laban sa Christian clergy at pilgrims sa Old City. Ilang kaso na rin ng panunukso, pagdura at agresibong pagtrato sa mga Kristiyanong may suot na religious symbols ang naiulat nitong mga nakaraang taon.


Naiulat din ang van

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page