top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Madir ni James, tanggap si Issa

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 13, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | February 13, 2024




Tanggap at may basbas na ang relasyon nina James Reid at Issa Pressman mula sa ina ng singer-actor na si Marcela MacDonald.


Sa premiere ng "Lisa Frankenstein," nagbigay si MacDonald ng dalawang thumbs up nang tanungin kung sang-ayon siya sa pag-iibigan nina Reid at Pressman.


"Oo po! Mabait siya," aniya tungkol kay Pressman.


Ipinaabot ni MacDonald ang kanyang kasiyahan at buong suporta para sa love life at career ni James.


Gayunpaman, ipinakita niyang ayaw niyang makialam sa personal na buhay ng kanyang anak.


“Sa kanyang buhay ‘yan, not mine. Siya pa rin ‘yun. James is James… Whatever his decision, happy ako para sa kanya,” paliwanag niya.


Matatandaang napatunayan ang mga espekulasyon sa relasyon nina Reid at Pressman nang dumalo sila sa concert ni Harry Styles noong Marso 2023, ngunit ilang buwan pa ang lumipas bago nila opisyal na inilabas sa publiko ang kanilang pag-iibigan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page