Madir, nagulat… SARAH, WALANG PAKI SA SARILING PERA NOON, NAGBAGO NANG MAGPAKASAL KAY MATTEO

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 6, 2020

Likas na mayaman ang pamilya ni Matteo Guidicelli at may mga negosyo silang pinagkakakitaan nang malaki. Isa sa kanilang mga businesses ay ang kanilang Italian resto na kilalang-kilala na at dinarayo. Kaya kahit hindi mag-artista si Matteo, maginhawa pa rin ang kanilang pamumuhay.
At hindi puwedeng isumbat ng ilang netizens na ang yaman na naipundar ni Sarah ang habol ni Matteo kaya niya pinakasalan ang Pop Royalty.
Hindi open sa publiko kung magkano ang worth ngayon ni Sarah in terms of investments. Hindi rin alam ng madlang pipol kung ang lahat ng properties na nabili/naipundar niya na mula sa kanyang kita sa pag-aartista ay nasa pangalan niya lahat. Posibleng ang ibang properties ay nasa pangalan ng kanyang parents.
Bago nga humiling si Sarah ng kalayaan para mag-decide on her own, hindi niya alam kung magkano ang kanyang kinikita mula sa pelikula at product endorsements. Hindi niya alam kung magkano ang pera niya sa banko dahil ang kanyang Mommy Divine ang humahawak ng kanyang finances.
Pero ang Viva Films big boss na si Vic del Rosario na rin ang nagbigay ng info kay Sarah kung magkano ang kanyang kinikita sa mga endorsements, shows at pelikula. Hindi naman kasi nagtatanong ang Popstar Royalty sa kanyang Mommy Divine kung magkano na ang kanyang pera. Basta sumusunod lang siya kung may taping, shooting o endorsement siyang dapat gawin.
Isang mabuting anak si Sarah. Malaki ang tiwala niya sa kanyang parents. Pero, nang mag-mature na siya, kumawala na si Sarah sa poder ng kanyang pamilya at sinunod ang dikta ng kanyang puso.
Tinutulan din niya ang gustong kondisyon ng mga magulang na prenup. Nagkagulatan na lang ang lahat sa biglaang pagpapakasal nila ni Matteo na nailihim nila mismo sa mga magulang ni Sarah.
At hindi nagawang pigilan-hadlangan ng sinuman ang naganap na kasalan!





Comments