top of page

Madir, adik, padir na-deport dahil sa patung-patong na kaso… LIZA, INABUSO, ITINTRATONG HAYOP NG UMAMPON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17
  • 4 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 17, 2025



Liza Soberano - IG

Photo: Liza Soberano - IG



Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-open-up si Liza Soberano tungkol sa naging buhay niya sa Amerika when she was a child.


Sa latest episode ng podcast-cinema-documentary YouTube (YT) channel na Can I Come In? kung saan siya ang featured artist, ikinuwento ng aktres ang pinakamasakit at pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay kung saan ay inabuso siya at itinratong parang hayop.


Sinimulan ni Liza ang kuwento nang ipanganak siya sa Santa Clara, California ng kanyang young parents na sina John and Jacqueline. Her dad was 22 years old at that time and her mom was 18.


“One thing that they had in common was they were so misguided. When I was born, these two kids were still children,” aniya.


“They literally didn’t know what to do. They were working multiple jobs to make ends meet,” patuloy niya.


She confessed na nalulong sa droga ang kanyang ina habang ang ama naman niya ay na-deport sa Pilipinas noong wala pa siyang isang taon dahil sa patung-patong na kaso tulad ng drugs, illegal firearms at trespassing. 


Naiwan si Liza at ang kanyang younger brother sa pangangalaga ng ina at dito na mas lumala ang sitwasyon dahil lalo pa raw itong nalulong sa droga.


Isa sa kanyang mga early trauma ay nang makipagrelasyon ang kanyang ina sa isang lalaki na nagngangalang Michael.


“My mom started dating this guy named Michael, and this guy was really bad news,” aniya.

Nagnakaw daw ng minivan ang boyfriend na ito ng kanyang ina at tumira sila roon nang ilang araw. Ini-report na raw sila ng pamilya ng kanyang ina na “missing persons” at nasa news na raw sila.


Dumating pa raw sa point na inutusan siya ng BF ng ina na hampasin niya ng buckle ng seatbelt ang kanyang kapatid na 1 yr. old pa lang. Hindi niya ito sinunod kaya sinaktan siya ng lalaki.


“And then the next thing I know, he hits me in the head with the bottom of a gun he was holding,” kuwento niya.


Hanggang sa naaresto rin daw ito dahil nang makakuha ng tiyempo ang kanyang ina ay nagtungo ito sa pulis at ini-report ang boyfriend. Kasunod nito ay na-hospitalize ang kanyang ina at pagkatapos ay nakulong din because of illegal drug use kaya naging ‘parentless’ daw silang magkapatid.


Napunta raw sila sa pangangalaga ng kanilang grandparents pero hindi rin ito nagtagal dahil matatanda na raw ang mga ito at hindi na sila kayang alagaan. Dito na sila nagsimulang mapunta sa foster care.


“Apparently, I went through a few homes before I landed in the one that I stayed the longest in. And the one that I stayed the longest in is the one that I have a vivid memory of.

“It was with this lady named Melissa. She was supposedly my mom’s high school best friend but it was very far from the truth,” kuwento niya.


Noong una raw ay okey naman ang pakikitungo ng kanyang foster mom, pero hindi nagtagal ay nagbago raw ito. Aniya ay naging family dog siya sa naturang bahay.


“They would literally call me the family dog and I would have to sit in like a big cardboard box behind the sofa and I actually would just sit there like a dog,” umiiyak na kuwento ni Liza.


“She started really abusing me, not just psychologically. The first instance was when I was eating spaghetti at the table and this is why I have a phobia of meatballs now. She forced me to eat the meatballs and I choked. She didn’t do anything and she just watched me,” saad pa ng aktres.


Pinakamatinding ginawa sa kanya ay pinaglinis siya ng dumi ng aso gamit ang kanyang dila.


“The next instance I remember was when their actual family dog took a shit on the carpet, and she called me to come clean it up,” kuwento niya.


Nang nililinis na raw niya ng brush ang dumi ay sinabi ng kanyang foster mom na, “No, I want you to use your tongue.”


Sey ni Liza, “I thought she was joking, until she grabbed the back of my head and forced me down on the carpet.” 


Hanggang sa later on ay nadiskubre ng social worker ang ginagawang pang-aabuso sa kanilang magkapatid.


Pagkatapos ng nakakawindang na rebelasyon na ito ni Liza, tila nakahinga nang maluwag ang aktres at sinabing, “I actually feel lighter now.”


Pagkatapos nito ay napunta na sila sa pangangalaga ng paternal grandparents nila at dito na raw nagsimulang gumanda ang buhay nilang magkapatid.


Pero nagkasakit daw ang kanyang lolo at kinailangang tumigil sa trabaho ang kanyang lola para alagaan ang asawa. Nagkaroon na ng financial problems ang kanyang grandparents hanggang sa magdesisyon ang mga ito na pauwiin silang magkapatid sa Pilipinas para tumira sa kanilang ama.


“At the age of 10, my brother and I migrated to the Philippines to live with my estranged father,” aniya.


Inamin din niya na ayaw niya sanang pumunta ng Pilipinas at makasama ang kanyang ama dahil hindi niya ito kilala, since maliit pa siya nang magkahiwalay sila. Pero wala naman daw siyang magawa.


And the rest is history, so they say. Later ay napasok na nga sa showbiz si Liza Soberano at naging isa sa pinakasikat na artista sa kanyang henerasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page