Made in Europe o U.S. na bakuna, mas oks kaysa sa made in China!
- BULGAR

- Jan 13, 2021
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 13, 2021
MARAMING NAPATAAS ANG KILAY NANG I-APPOINT ULIT NI P-DUTERTE SI AGUIRRE BILANG HIGH RANKING OFFICIAL NG PAMAHALAAN—Napataas ang kilay ng publiko nang bigyan ulit ng puwesto ni P-Duterte sa kanyang gobyerno si dating DOJ (Dept. of Justice) Sec. Vitaliano Aguirre II bilang komisyoner ng National Police Commission (Napolcom).
Mantakin ninyo, nasabit ang mga tauhan ni Aguirre noon sa P50 million extortion kay gambling tycoon Jack Lam; sa panahon niya bilang DOJ secretary naabsuwelto sa drug case sina Peter Lim, Kerwin Espinosa at iba pang drug lords at isinabit din siya (Aguirre) ni veteran journalist Mon Tulfo sa raket na “Pastillas Gang” sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport), tapos ngayon ay high ranking official na naman siya ng Duterte gov’t., buwisit!
◘◘◘
TALAGANG IPINILIT NG DUTERTE GOV’T. NA SINOVAC NA GAWANG CHINA ANG BILHIN—Inanunsiyo nina Health Sec. Francisco Duque III at Vaccine czar, ret. Gen. Carlito Galvez na um-order na raw ang pamahalaan ng mga bakunang Sinovac na made in China.
Hay naku, kung ano’ng bakuna ang ayaw ng mga Pinoy, ‘yun pa ang ipinilit bilhin ng Duterte gov’t., boom!
◘◘◘
KUNG MAKAPAGTARAY SI ROQUE PARANG PERA NILA IPAMBIBILI NG BAKUNA—Batikos ang inabot sa publiko ng Duterte gov’t. sa naging desisyon na bakunang Sinovac ang bilhin para sa mga Pilipino.
Pero imbes na pakalmahin ang publiko ay nagtaray pa si Presidential spokesman Harry Roque at sinabihan ang mamamayan na huwag daw maging ‘choosy’ sa bakuna.
Kung makapagsalita si Roque, parang pera nila ang ipambibili nila ng bakuna, pwe!
◘◘◘
KUNG AYAW NG DUTERTE GOV’T. SA PFIZER, SANA AZTRAZENECA ANG IN-ORDER—Pera ng taumbayan ang ipambibili ng bakuna kaya’t natural lang na kuwestiyunin ng publiko kung bakit Sinovac na 50% lang ang efficacy na ubod pa ng mahal sa presyong P3, 629.50 ang in-order ng pamahalaan.
Kung ayaw ng gobyerno sa Pfizer na gawang Amerika, sana ay AztraZeneca na gawang Europe ang bilhin kasi bukod sa mura ito sa halagang P610 ay 90% pa ang efficacy nito, period!





Comments