top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Madalas na pag-aaway at pangyayamot kay mister, daan para si no. 2 ang piliin

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 6, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | September 6, 2023



Dear Maestro,


Malaki ang problema ko ngayon Maestro, dahil may babae ang mister ko at hindi ko alam kung iiwanan at ipagpapalit niya na kami sa kalaguyo niya. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung magkakahiwalay ba kami ng mister ko?


Isinilang ako noong December 12, 1993 habang August 9, 1990 naman ang mister ko.

Umaasa,

Charity ng Dalig, Cardona, Rizal

Dear Charity,


Tunay ngang tugma ang zodiac sign mong Sagittarius habang Leo naman ang mister mo, sapagkat ang Sagittarius at Leo ay kapwa nagtataglay ng elementong fire.


Ganundin sa Numerology kung saan, ang birth date mong 12 o 3 (ang 12 ay 1+2=3) at birth date na 9 ng mister mo ay compatible rin naman, dahil kapwa kayo napabilang sa tinatawag na “series of 3-6-9”. Dahil dito, tugma at compatible talaga kayo, kahit na mambabae pa siya ngayon, malaki rin ang posibilidad na muli siyang babalik sa piling n’yo upang muling mabuo ang inyong pamilya


Samantala, upang malaman kung iiwanan ka o hindi ng iyong mister, dahil nga mayroon siyang kalaguyo ngayon, alamin mo ang birthday ng babaeng ‘yun.


Dahil kung ang kabit ng mister mo ay isang Sagittarius na tulad mo o Aries, na may birth date na 6, 15, 24, 3, 12, 21, at 30, posibleng makabuo sila ng isang sweet at meaningful relationship, kung sakaling tugma sila ng babae niya.


Sa madalas n’yong pag-aaway at pangyayamot sa iyong mister, sa bandang huli, maaaring maisip niya na ru’n na lang sa babae niya makisama at tumira.


Subalit, kung hindi naman ganyan ang birth date at zodiac sign ng kabit ng mister mo, wala kang dapat ikatakot o ikabahala. Dahil hindi naman sila compatible at kusa rin silang magkakahiwalay hanggang sa tuluyan na siyang bumalik sa iyo upang pagsaluhan ang dating mainit at masarap na relasyon. Sa pagbabalik ni mister at pagbabagong buhay, mabubuo na muli ang inyong masaya at panghabambuhay na pagpapamilya na nakatakdang mangyari at maganap sa buwan Oktubre o Nobyembre ngayong taong kasalukuyan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page