top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mabuti pa sa ibang bansa inaalagaan ang mga health workers, sa ‘Pinas, binu-bully pa!

  • BULGAR
  • Sep 14, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 14, 2021


P-DUTERTE, TODO-TANGGOL KAY MICHAEL YANG AT SA PHARMALLY, TODO-BANAT SA RED CROSS—Habang ipinagtatanggol ni P-Duterte ang kaibigan niyang Chinese na si Yang Hong Ming, aka Michael Yang at mga katropa nitong may-ari ng Pharmally Inc. na kesyo matitinong tao ang mga ito, at walang anomalya sa ginawang pakikipagtransaksiyon kay Davao boy, former Usec. Christopher Lloyd Lao ng PS-DBM (Procurement Service-Department of Budget and Management) sa pera ng bayan worth P8.7 bilyong pambili ng facemask, face shield at PPEs (Personal Protective Equipments) ay pinalalabas naman ng pangulo na may anomalyang ginawa ang Philippine Red Cross (PRC) na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon sa donasyong ibinibigay ng pamahalaan sa organisasyon.


Kumbaga gustong papaniwalain ni P-Duterte ang mga Pilipino na good si Michael Yang at mga katropa nito sa Pharmally, at bad ang mga taga-Red Cross, boom!


◘◘◘


GOOD SI MICHAEL YANG AT ANG PHARMALLY MABUTI, BAD NAMAN ANG RED CROSS?—Mantakin n’yo, si Michael Yang na isinangkot ni former anti-drug operative Col. Eduardo Acierto sa ilegal na droga ay nasangkot sa pagpapalaganap ng mga POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) sa Pilipinas, nasangkot sa pagbili ng pamahalaan ng mga overpriced na facemask, face shield at iba pang PPEs, at ‘yung mga nagmamay-ari ng Pharmally na wanted sa Taiwan sa kasong fraud, sabi ni P-Duterte ay mabubuting tao, tapos ang institusyong Red Cross na mula 1899 at hanggang ngayon ay naglilingkod sa mga Pilipino ay bad para pangulo?


Hay naku, maipagtanggol lang si Michael Yang at Pharmally, pati ang Red Cross ay pinalalabas ni P-Duterte na bad, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


KAWAWA ANG MGA HEALTH WORKERS AT TITSER SA DUTERTE GOV’T.—Matapos magsagawa ng protesta laban sa Duterte gov’t. ang mga health workers noong Sept. 1, 2021 dahil sa hindi pagbibigay ng sapat na benefits sa kanila, nagsagawa rin ng protesta kahapon laban sa gobyernong Duterte ang mga public school teachers dahil sa hindi pagbibigay ng overtime pay at iba pang benepisyo sa kanila.


Kawawa naman ang mga health workers at titser sa Duterte gov’t. kasi sa totoo lang, hindi naman magpo-protesta ang mga ‘yan sa gitna ng pandemya kung may sapat na suportang ibinibigay sa kanila ang pamahalaan, period!


◘◘◘


SA IBANG BANSA ARUGANG-ARUGA ANG MGA HEALTH WORKERS, SA ‘PINAS, BINU-BULLY PA NG SPOKESPERSON—Ang gobyerno sa ibang bansa, sa panahon ng COVID-19 pandemic ay arugang-aruga ang kanilang fronliners.


Only in da ‘Pinas lang na bukod sa hindi na binibigyan ng sapat ng benepisyo ay binu-bully pa, tulad nang ginawang panduduro at pambabastos ni Presidential spokesman Harry Roque sa mga health workers, pwe!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page