top of page

Mabuhay lang ang pamilya… MARK, PROUD NA NAGBEBENTA NA NG KARNE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 7
  • 4 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 6, 2025



YT ABS-CBN News (MyPuhunan)

Photo: YT ABS-CBN News (MyPuhunan)



Usapang negosyo ang naging kuwentuhan ng broadcast journalist na si Karen Davila at ng Bad Boy ng Dance Floor at aktor na si Mark Herras nang mag-guest ito sa DTI Asenso Pilipino.


Sa umpisa ng show ay naikuwento ni Karen na si Mark ay ultimate entrepreneur na rin at isa sa mga owners ng Farmers Meat Shop.


Tanong ni Karen, “Ano’ng feeling ng negosyante?”


Sagot ni Mark, “Ah, s’yempre, bago po lahat sa akin, marami pa akong inaalam na bagay-bagay. 20 years ang ibinigay ko sa showbiz, this is my first major business talaga. Very excited at natutuwa ako, very different from showbiz.”


Tanong ni Karen, “Ang negosyo mo ay Farmers Premium Meat Shop? And is it right to say isa kang franchisee? Ano ang sitwasyon mo, what’s the deal?”


Sagot ni Mark, “Meron po akong puwesto ng Farmers Meat Shop. Ito po ay sa Malate, U.N. Avenue, Manila. Ang Farmers Premium Meat Shop ay may sariling poultry sa Pangasinan at mayroong two branches doon. Ako po’y nag-invest ng malaking amount, and then naging partner po ako ng Farmers Meat Shop.”


Tanong ni Karen, “Ano ang ibinebenta ng Farmers Meat Shop?”

Sagot ni Mark, “Lahat po ng kailangan natin everyday — steak, pork, beef, at chicken, pati na rin siomai.”


Tanong uli ni Karen, “So, ang tagal mong artista, ang tagal mo sa showbiz, ano ang kaibahan mo sa business at showbizness?”


Sagot ni Mark, “Ah, dito po, ‘di ako umaarte. Dito, talagang totoong tao ‘yung mga humaharap at kinakausap mo. Nagbebenta ka ng mga produktong kailangan.


“Natutuwa ako sa sarili ko kasi sa showbiz, easy life. Aarte ka lang, punta sa set, susuweldo ka. Ito kasi, kaya s’ya mahalaga sa akin, s’ya ‘yung bumubuhay sa pamilya ko.


“Ang target ko kasi sa buhay is to provide, to be the provider of my family. Medyo hindi ganu’n kasuwerte sa showbiz, so ‘di ako puwedeng magpahinga o mag-relax. Iba ‘yung meron kang business na kayang bumuhay ng pamilya mo.


“Financially, hindi na ako kinakabahan. ‘Yung mga monthly bills, ‘yung mga bayarin, panganay ko, nag-aaral na ‘yung mga bata ngayon — ang mahal ng tuition. So ngayon, nagkaroon ako ng sandalan, sa totoo lang po.”


Tanong ni Karen, “Ano’ng nangyari sa ‘yo sa showbiz?”


Sagot ni Mark, “Actually, sa showbiz kasi, parang sinasabi nila, ‘Laos na ‘yan, nalalaos ka na,’ ganu’n! Hindi ka kasi nag-improve. Ako kasi, Ma’am, parang I’m very thankful and contented ako doon sa narating ko, like StarStruck. Mag-peak ng career, hindi ko na hinahangad na habang buhay akong nasa itaas. 


“Kumbaga, medyo mahirap din ‘yung buhay na ganu’n sa showbiz. But I’m really thankful for everything na nagawa sa akin ng GMA at nai-provide sa akin. ‘Di ko s’ya tinitingnan na parang failure. 


“Kumbaga, kung marami man ang umangat na, I’m happy for them. Mga kaibigan ko naman ‘yun. Basta ako, kuntento ako sa narating ko. Ang goal ko talaga until now is to have work, trabaho para makapag-provide sa family ko.”


Tanong ni Karen, “What was the lowest point in your life?”


Sagot ni Mark, “Dumating ako sa point na talagang kung provider ka, masakit sa loob mong manghiram ng pera, kahit kaibigan mo o hindi mo kaibigan. Dumating ako sa point na ganu’n, na nangutang ako. “S’yempre, nu’ng una, masama sa loob ko. Ayaw ko ito, ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Hanggang sa gagawin mo lahat para sa pamilya mo.”

Tanong pa ni Karen, “Ano ang mga nagawa mo para sa pamilya mo?”


Sagot ni Mark, “Nagsayaw ako sa Apollo, pero I mean ‘yung Apollo po na ‘yun ay ‘di ko s’ya ginawa para magpaingay na naman. Manonood ako naman kasi talaga, trabaho ako, eh, kumbaga raket ‘yan. Game, ginawa ko ‘yan. Kayang-kaya kong isakripisyo kahit ano’ng puwede kong isakripisyo para sa pamilya ko. Kumbaga, family man po talaga ako. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao.”


Very well said, Mark! Bongga ka d’yan! Ipagpatuloy mo lang ang business mo — sure si yours truly, marami ang bibili ng mga paninda mo. 

Pak, as in tumpak, Mark Herras!



NAPAPANAHON ang usapan ng success coach na si John Calub sa ilang miyembro

ng media.


Napag-usapan ang tungkol sa biohacking at frequency healing na maaaring maging susi sa paggaling ng cancer, diabetes, at iba pang sakit nang hindi gumagastos ng malaki sa tradisyonal na gamot at operasyon.

Natanong si Coach John Calub tungkol sa sakit ni Kris Aquino na autoimmune condition.


Sagot ni Coach John, “That can be traced through energy blocking kung bakit nagkaroon ng autoimmune.”


Kuwento ni Coach John, noong 2020, dumaan din siya sa mabigat na pagsubok nang dalhin siya sa ospital at ma-diagnose na may matinding gut health issues at isang bihirang kondisyon. Ito ay isang incurable condition, kaya araw-araw siyang nakararanas ng tinatawag na non-bacterial chronic pelvic pain syndrome (CPPS) — na ayon sa mga doktor, isang matinding sakit. 


Ngunit bilang isang “never give-up” success coach, nagsaliksik si John ng iba’t ibang solusyon at natuklasan ang larangan ng biohacking, ang sining at agham ng pagbabago ng kapaligiran sa loob at labas ng katawan upang magkaroon ng ganap na kontrol sa sariling biyolohiya. 


Ang biohacking ay gumagamit ng kombinasyon ng sinaunang karunungan at makabagong teknolohiya upang muling paganahin ang likas na kakayahan ng katawan na mabilis na magpagaling.


Kasama sa mga pinag-aralan ni John ang breathwork, ayurvedic herbs, biotechnology, ice bathing, red light therapy, grounding or earthing, frequency healing, genetic testing, at detoxing.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page