top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mabuhay ang mga Overseas Filipino Workers!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 9, 2024
  • 2 min read

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | June 9, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay


Tuwing Hunyo 7 ipinagdiriwang natin ang Migrant Workers Day bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga overseas Filipino workers  (OFWs) sa ating bansa.


Naisabatas ito sa ilalim ng Republic Act 8042 o mas kilala bilang Migrant Workers Act of 1995.


Nitong mga nakaraang araw, nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad ang Department of Migrant Workers (DMW) bilang bahagi ng pagdiriwang na ito.


Namahagi ang ahensya ng tulong pinansyal para sa mga OFW na nawalan ng trabaho bunsod ng iba’t ibang kadahilanan.


Nagkaroon din ng paglalagda ng Memorandum of Understanding (MoU) sa pagitan ng DMW at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa pagtatatag ng OFW Desk sa lahat ng lokal na pamahalaan sa bansa.


☻☻☻


Lagi nating binabanggit na ang mga OFWs ang ating mga bagong bayani.


Kaya naman dapat lamang na bigyan sila ng tamang pagkilala pati na rin ang proteksyon ng kanilang mga karapatan.


Makakaasa kayo na patuloy namin kayong ipagmamalaki at susuportahan sa pamamagitan ng pagsulong sa inyong kapakanan.


At para naman sa mga OFW na nagnanais nang umuwi at manatili sa Pilipinas, patuloy pa rin nating pinagbubuti ang ating reintegration program.


Kaisa niyo ang pamahalaan, sa inyong adhikaing maitaguyod at mapaganda ang buhay ng inyong mga pamilya.


Muli, binabati ko ang ating mga magigiting na OFW ng isang maligayang Migrant Workers Day! Maraming salamat at mabuhay kayong lahat!


☻☻☻


Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page