Mabigat na parusa sa mga abusadong online lending companies
@Editorial | May 25, 2023
Sa hirap ng buhay, talagang marami na ang napipilitang lumapit sa mga nagpapautang.
Bukod sa 5-6 at sangla-ATM, nagkalat din ang mga online pautang. ‘Ika nga, one click away, nakautang ka na.
Ang problema, dumarami naman ang reklamo mula sa mga nangungutang. Anila, bukod sa malaking tubo, abusado pa ang ilang online lending companies.
Kaya patuloy ang babala ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa mga mapagsamantalang kumpanya.
Partikular na tinukoy ang pagbabanta na ginagawa ng ilang online lending companies sa mga kliyente nilang hindi agad nakakapagbayad sa tamang oras.
Batay sa Financial Products and Services Consumer Protection Act, ipinagbabawal ang paggamit ng pagbabanta sa tuwing naniningil ang isang online lending companies na pautang.
Ang sinumang mapatunayang lalabag ay mahaharap sa pagkakakulong nang hanggang limang taon at multa na hanggang P2 milyon. Mabigat pala ang parusa, sana may masampulan na.



Comments