top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mabigat na parusa sa bus drivers na positibo sa droga

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 3, 2023
1 min read

@Editorial | April 3, 2023


Bago pa man mag-Semana Santa, nagsisimula nang umuwi sa mga probinsya ang ilang taga-Metro Manila.


Unti-unti na ring nasasaksihan ang tinatawag na ‘revenge travel’ matapos ang halos wala nang paghihigpit, ‘di tulad nu’ng kasagsagan ng pandemya.


Dagsa na ang mga pasahero sa mga terminal at may ilan na nakararanas na ng hirap sa pagbiyahe.


Kaugnay nito, nag-iikot na rin para mag-inspeksyon ang mga awtoridad. Layon nilang matiyak na magiging maayos at ligtas ang lahat ng biyahero.


Gayunman, sadyang may mga pasaway pa rin, partikular sa mga drayber ng pampasaherong bus, kung saan apat ang nagpositibo sa ilegal na droga.


Kailangang nasa tamang kondisyon ang pag-iisip at pangangatawan ng mga drayber na maghahatid ng pasahero.


Bagama’t kumpiskado na ang kanilang lisensya sa pagmamaneho, dapat siguro ay patawan pa ng mas mabigat na parusa ang mga ito.


Bukod sa mga iresponsableng drayber, may mga sasakyan din na hindi pinayagang makabiyahe dahil sa pudpod na gulong at may problema sa ilaw.


Sana ay laging isaisip at isapuso ng lahat ng drayber na maraming buhay ang ipinagkakatiwala sa inyo. Hindi lang ngayong Semana Santa o may okasyon kundi araw-araw, tuwing kayo’y pumapasada.


Laging sumunod sa lahat ng panuntunan para maihatid nang ligtas ang mga pasahero sa kani-kanilang pamilya at gayundin kayo sa inyong mga mahal sa buhay na naghihintay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page