Mabahong amoy sa baybayin ng Mamburao, iniimbestigahan

by BRT @News | October 5, 2026

Photo: Courtesy Mamburao Public Information Office
Ininspeksyon ng mga opisyal ng Mamburao, Occidental Mindoro ang bahagi ng baybayin sa Barangay Talabaan Proper matapos magreklamo ang mga residente sa mabahong amoy na halos dalawang linggo nang nararamdaman.
Ayon sa mga residente, nagsimula ang amoy matapos ang ilang linggong pag-ulan dahil sa habagat.
Nakita ng mga opisyal ang tubig na naiipon sa baybayin dahil tila naharang ng buhangin at iba pang materyales ang natural na daloy nito.
Ayon sa Municipal Environment and Natural Resources Office, maaaring nagmumula ang amoy sa nabubulok na damo, korales, dahon at iba pang organic materials na natabunan ng buhangin.
Plano ng munisipyo na gumamit ng backhoe o payloader para alisin ang bara at maibalik ang daloy ng tubig.





Comments