Mabaho, maduming likido, umagos sa beach resort sa SBMA
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | July 21, 2026

Photo: Makikita sa larawan ang paligid ng tabing-dagat sa isang kilalang beach resort sa Subic Bay Freeport Zone na kumakalat ang marumi, mabaho at bumubulang likido na dahilan para lisanin ng mga turistang naliligo sa lugar. (Jeff Tumbado)
Nabulabog ang mga turista sa Subic Freeport Zone nang makitang may umaagos na mabaho at maduming likido na humahalo sa kanilang pinagliliguang beach resort sa San Bernardino Road, na dahilan para lisanin ang lugar.
Sa eksklusibong panayam ng BULGAR sa isang resort staff, nangyari ang insidente nitong umaga ng Linggo, Hulyo 19, kung saan ilan sa mga turistang naliligo sa resort ang nag-report sa kanilang nakita.
Kulay kayumangging likido na bumubula ang kumalat sa paligid ng dalampasigan at tubig-dagat ng resort, bukod sa napakabaho ay mamantika pa.
Gamit ang katsa, unti-unting sinalok ang mga likido na inabot ng apat na oras.
Hindi naman malaman kung saan nanggaling ang likido kaya't ipinagbigay-alam na sa Ecology Department ng SBMA ang insidente.





Comments