top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Maayos na serbisyo sa publiko, tiyakin

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 16, 2023
1 min read

@Editorial | July 16, 2023


Patuloy ang taas-presyo sa mga bilihin at hindi rin mapirmi ang singil sa tubig, kuryente at iba pang utilities. Minsan ang hangad na lang ng taumbayan ay ang maibalik ang ibinabayad sa pamamagitan ng maayos na produkto.


Masasabing bawas-pasanin din sa mamamayan kung tuluy-tuloy at hindi palpak ang serbisyo.


Umaasa rin tayo na lahat ng negosyo ay tapat sa kanilang konsyumer. Kapag kailangang magbaba ng presyo o singil, gawin. Kung may mga dapat ibigay o ibalik, huwag nang patagalin.


Katulad ng isinasagawang bill deposit refund ng isang distribution utility sa Iloilo City.

Kamakailan nang simulan ng More Electric and Power Corporation (More Power) ang pagbabalik sa mga konsyumer ng kanilang bill deposit sa kuryente, na itinatakda sa Magna Carta for Electric Consumers.


Kapag sakto sa oras ang pagbabayad ng electric bill ng mga consumer sa loob ng 36 buwan at hindi naputulan ng kuryente, pasok sa sinasabing refund. Kahit sino naman siguro, kung maayos ang nakukuhang produkto o dekalidad ang serbisyo ay gaganahang magbayad.


‘Yung prinsipyo ng “good service leading to proper payment” ay nakadepende talaga kung maaasahan ang kumpanya o negosyong nagbibigay nito sa publiko.


Sa ngayon, patuloy ang bill deposit refund at sa pagtatapos ng taon ay inaasahan pa na nasa halos isang libong customers ang magiging eligible sa programa. Sa kabuuan ay nasa P5 million ang bill deposit na handang ibalik ng kumpanya sa kanilang mga eligible customers ngayong 2023.

Ipinaliwanag ni President at CEO Roel Castro na ang bill deposit refund ay hindi reward bagkus ay karapatan ng mga consumer.


Kaya sa ibang distribution utility d’yan, baka naman gusto n’yo nang mag-refund, puwede rin kayong magkusa.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page