top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Maayos na impormasyon kaugnay sa COVID, dapat lang!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 18, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | March 18, 2021



Aabot sa 4 million doses ng COVID vaccine ang papasok sa bansa hanggang Hulyo.


Mainam naman!


◘◘◘


BANGKAROTE ang Philippine Stock Exchange.


Halatang nagpa-panic ang gobyerno!


◘◘◘


KAILANGAN ng gobyerno ang bihasang media officer upang mailutang ang tunay na sitwasyon kaysa sa lihis na konteksto ng impormasyong nakaaabot sa investors at publiko.


Hindi dapat batayan ng maselang desisyon — ang “number of total cases”, mas dapat pagtutuunan ang “number of severe cases at number of death”!


◘◘◘


MALI ang konteksto ng impormasyon na inilalabas kaugnay sa COVID.

Kapag binago ‘yan at ipinokus lamang sa “severe cases at death” — mababago ang pananaw ng lahat.


Pwes, magkakaroon ng sigla ang paligid, hindi magbubunsod ng panic!


◘◘◘


ANG COVID, kahit ano pang deskripsiyon ng mga eksperto — ito ay aktuwal na isang klase ng “flu”.


Mas kilala ito bilang trangkaso o influenza ng mga general physician!


◘◘◘


EKSPERTO ang mga bihasa o beteranong general physician sa paggamot ng lahat ng sintomas ng flu.


Sa totoo lang, ang mga general physician o family physician — ay napakarami nang ginamot o nagamot na positibo sa COVID!


◘◘◘


DAPAT ayusin ang konteksto ng paglalabas ng impormasyon — ang COVID ay hindi aktuwal na sakit — bagkus ay paglalarawan ito ng resulta ng laboratory test—positive ba o hindi.


Maaaring positive sa COVID test, pero hindi nangangahulugang may sakit — sapagkat, marami ay asymptomatic!


◘◘◘


ANG asymptomatic ay walang sintomas ng flu, pwes malusog siya.


At may kaso na hindi lumabas ang sintomas at nag-quarantine at nagnegatibo sa lab test.


Pero ang malusog na tao—na ibinibilang na may COVID ay itinuturing siyang may sakit.


Higit na grabe, ikinu-quarantine ang buong pamilya nito at nakasalamuha — kung saan winasak ang buong pagkatao, dinemoralisa at pinagkaitang maghanapbuhay ang mga nasasangkot.


Malagim na sitwasyon ang sinasapit ng “tao” na walang sintomas at nadamay ang mga malalapit niya sa buhay!


◘◘◘


MALINAW na may mali sa protocol na siyang nagbubunsod ng pagbagsak ng ekonomiya.


At ‘eto nga, ang pagkabangkarote ng stock exchange ng bansa!


◘◘◘


DAPAT nating maunawaan na ang “flu” — COVID man o hindi ay talagang mabilis makahawa.

Kapag hindi nakahawa — hindi ‘yan maituturing na flu.


Ibig sabihin, normal na nakahawa nang mabilis ang COVID — dapat bang mag-panic sa isang bagay na normal ang sitwasyon?


Severe cases lamang at number of death ang dapat bantayan — at ‘yan ang pagbatayan ng maseselang desisyon tulad ng hard lockdown!


◘◘◘


ANG maling desisyon, batay sa maling konteksto ng impormasyon — ang magbubunsod ng krisis.


At ‘yan ang nararanasan ng lahat.


Hindi COVID ang ugat ng krisis, bagkus ay palpak na desisyon ng mga awtoridad!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page