top of page
Search
BULGAR

Maaaring ilipat ng kumpanya ang empleyado sa ibang branch

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 18, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


May sales agent kami na patuloy ang pagliban sa trabaho at pagkakaroon ng mababang benta. Dahil dito, nag-isyu kami ng Notice to Explain. Tinanggap naman niya ito at humingi pa ng paumanhin sa kanyang mga pagkakamali. Nang matapos namin pag-aralan ang kanyang paliwanag, naglabas ng desisyon ang management at inabisuhan siya na isa siya sa mga malilipat na empleyado sa ibang branch sa susunod na buwan. Parehas pa rin naman ang kanyang magiging trabaho at suweldo.  Ngunit, hindi niya ito tanggap, sa halip, hindi na siya pumasok sa sumunod na araw. Nabalitaan na lamang namin na nagbabalak na diumano siyang maghain ng reklamo para sa constructive dismissal. Maituturing bang ilegal ang pagpapalipat ng empleyado sa ibang branch? – Monica


 

Dear Monica,


Ang mga kumpanya ay binibigyan ng karapatan ng ating batas na magpasya kaugnay sa pagtalaga at paglipat ng kanilang mga empleyado sa iba’t ibang istasyon o lugar ng trabaho. Ngunit, tandaan na pinapayagan ang nasabing paglipat o pag-transfer ng empleyado, kung hindi ito magreresulta sa pagbaba ng ranggo, suweldo, at mga benepisyo ng nasabing empleyado, at ito ay isinagawa nang may mabuting intensyon at nabigyang-katwiran ng mga pangangailangan sa negosyo.


Kaugnay nito, sa kasong Automatic Appliances, Inc., et. al. vs. Francia B. Deguidoy (G.R. No. 228088, 04 Disyembre  2019) sa panulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Jose C. Reyes, Jr., pinasyahan ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema na ang paglipat ng empleyado sa ibang lokasyon o istasyon ay makatwiran dahil hindi ito nagdulot ng pagbaba sa ranggo o pagbabawas sa suweldo at benepisyo ng nasabing empleyado. Bagkus ay mananatili siya sa parehong posisyon at gaganap sa parehong mga tungkulin:


Jurisprudence holds that the management’s decision to transfer an employee shall not be assailed as a form of constructive dismissal in the absence of proof that the re-assignment involves a demotion in rank, diminution in pay, or was an act of discrimination or disdain.


In the instant case, the intended transfer did not involve a demotion in rank or diminution in pay, salaries and benefits. Deguidoy was simply asked to transfer to a different location where she will be occupying the same position and performing the same functions.

xxx

In addition to her low sales output, Deguidoy was found to have incurred numerous unexplained absences.  She failed to report for work for a total of 29 days within a six-month period.  From 2009 until 2013, AAI issued various notices requiring her to explain, which she ignored.


It becomes all too apparent that AAI's decision to transfer Deguidoy to the Ortigas branch was triggered by the need to streamline its operations. The Tutuban branch needed manpower, whose functions Deguidoy could not fulfill. Meanwhile, the Ortigas branch was frequented by lesser customers, and was in need of additional personnel, for which Deguidoy could adequately respond.  In fact, the re-assignment was viewed as a means to aid her increase her sales target.”


Alinsunod dito, maaaring maituring na wasto o valid ang desisyon ng inyong kumpanya na ilipat ang nasabing empleyado sa ibang branch o lokasyon dahil batay sa iyong salaysay, hindi ito magreresulta sa pagbaba ng kanyang ranggo, suweldo at/o mga benepisyo, at ito ay isinagawa nang may mabuting intensyon at alinsunod sa pangangailangan sa negosyo – dulot ng kanyang patuloy na pagliban sa trabaho at mababang benta. 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Recent Posts

See All

댓글


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page