top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

M. Mla., lumulubog pa rin dahil sa basura

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 10, 2024
  • 1 min read

@Editorial | June 10, 2024



Editorial


Kasabay ng pagpasok ng tag-ulan, puspusan din ang isinasagawang clean-up activities ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang paghahanda na rin sa matinding epekto ng La Niña.


Kung saan, sako-sakong basura na nasa 160 sa Pasig City, habang nasa 45 naman sa Navotas, at isang sako sa Marikina ang nakolekta, kasama ang iba pa mula sa mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, barangay, at iba’t ibang mga grupo.


Kaugnay nito, hinihikayat ng MMDA ang publiko na makiisa sa pagsusulong ng kahalagahan ng malinis at ligtas na komunidad.


Habang patuloy din ang paalala ng ahensya na panatilihing malinis ang daluyang tubig, maliit man o malaki upang hindi ito maging sanhi ng pagbaha sa mga lansangan at pagbara sa mga daluyan ng tubig lalo na tuwing malakas ang ulan. 


Ang problema, kada taon ay ganito ang eksena para bang hindi natututo ang mamamayan. Gaano nga ba kahirap na maging disiplinado sa wastong pagtatapon ng basura?


Sana ay mas lumawak pa ang mga programa at proyekto sa pagre-recycle. Nakakatuwa ang mga komunidad na nagagawang hanapbuhay ang pangongolekta ng basura o pag-transform sa mga ito para maging kapaki-pakinabang pa rin.


Marahil, kailangan na ring mas higpitan ang batas laban sa iresponsableng pagtatapon ng basura. Puwedeng taasan pa ang multa o mas pabigatin ang parusa. Alam naman natin ang ibang tao, hindi natututo hangga’t ‘di natuturuan ng leksyon o ‘di nararanasan ang epekto ng mga maling ginagawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page