top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

M’cañang, pag-aari ng taumbayan hindi ng mga Marcos, Toni Gonzaga, sopla!

BULGAR
Apr 21, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 21, 2022


DAPAT KAPAKANAN NG KABATAAN INAATUPAG SA KONGRESO NG DUTERTE YOUTH PARTYLIST AT HINDI PANGALAN NI 'NINOY AQUINO' – Nagsulong ng panukalang-batas ang Duterte Youth Partylist na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at ibalik ito sa dating pangalang MIA (Manila International Airport).


Hay naku, dapat talaga sa Duterte Youth Partylist ay ibasura ng mga kabataan sa darating na eleksyon.


Imbes kasi ang gawin nitong panukala ay may kaugnayan sa kapakanan ng mga kabataan, eh ang inaatupag ay pagdiskitahan ang pangalang "Ninoy Aquino", boom!


◘◘◘


TULOY NA ANG REMATCH NINA LENI AT BBM – Ibinasura ng Comelec ang huling disqualification case laban kay presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos, Jr.

Dahil d’yan, wala na talagang hadlang sa rematch nina Vice President Leni Robredo at Bongbong sa 2022 presidential election, period!


◘◘◘


TAUMBAYAN ANG MAY-ARI NG MALACAÑANG, HINDI ITO TAHANAN NI BBM – Pinutakti ng batikos si TV host Toni Gonzaga sa kanyang sinabi na magbabalik na raw si BBM (Bongbong Marcos) sa kanyang tahanan – ang Malacañang.


Mababatikos talaga si Gonzaga d’yan, kasi ang Malacañang ay pag-aari ng taumbayan, hindi ito tahanan o pag-aari ng pamilya Marcos, boom!


◘◘◘


TALAMAK NA SMUGGLING HINDI NASAWATA NG DUTERTE GOV'T. – Dahil hindi masawata ang pagpasok sa bansa ng mga smuggled na bigas, gulay at prutas, ay binansagan ni Albay Rep. Joey Salceda na "mother of all smuggler" ang Dept. of Agriculture (DA).


Patunay 'yan na hindi nalansag ng Duterte gov't. ang smiuggling sa bansa, kasi mismong ang isang sangay ng pamahalaan, itong DA ay binabansagan na ngayon bilang "mother of all smuggler”!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page