top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lupit ng Warriors, pinalasap sa Bossing

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | February 19, 2022




Dinomina ng NLEX Road Warriors ang nananatiling winless na Blackwater Bossing, kahapon sa bisa ng 117-97 sa pagpapatuloy ng aksiyon ng PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.


Bumitaw ng double-double performance si KJ McDaniels sa 24 pts, katulong sina Jericho Cruz sa 22 pts, Kris Rosales (18pts), Kevin Alas (15pts) at Don Trollano (11pts) para pagtulungang putulin ang three-game losing streak. “It set the tone of our offense because of our defense and luckily they don’t have enough contributions from their locals to help their import, and if it happen, baka mas mahirapan kami,” wika ni NLEX head coach Yeng Guiao.


Nasayang ang pangunguna para sa Bossing ni Shawn Glover na may 39pts, habang nag-ambag ng tig-11pts sina Rey Suerte at Mike Ayonayon na hindi naging sapat ang kontribusyon para putulin ang 26th straight losing streak simula pa noong Okt. 17, 2020 laban sa NLEX sa bisa ng 98-88 sa Clark Bubble.


Maagang bumulaga ang opensa ng NLEX nang ibaon sa 20 puntos na kalamangan sa 34-14 ang Bossing sa pagtatapos ng first quarter na nagawang umukit ng 26-6 run sa 7:44 ng laro.


Hindi mapigilan ang mainit na atake at depensa ng Road Warriors sa 3rd quarter ng lalo pang palobohin ang kalamangan sa pinakamalaki sa 26-puntos sa 86-60 sa 3:17 mula sa free throws ni McDaniels. Ngunit bahagyang naitapyas ang kalamangan sa 16 puntos sa 92-76.


Samantala, tatangkaing ipagpatuloy ng Alaska Aces ang huling komperensiya laban sa Terrafirma Dyip ng 4 p.m. na susundan ng bakbakan ng unbeaten na Magnolia Hotshots at mainit na Phoenix Super LPG. Dakong 6:00 n.g. – Magnolia Hotshots vs Phoenix Super LPG.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page