top of page

Lupit ng kamao ni Diagan susubukin ng Puerto Rican

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 3, 2023
  • 1 min read

ni Gerard Arce @Sports | August 3, 2023



Tatangkaing magpamalas ng lagim sa boxing ring ni Filipino boxer Garen “Hellboy” Diagan upang maagaw ang World Boxing Organization (WBO) minimumweight title sa kampeong si Puerto Rican Oscar “El Pupilo” Collazo na idedepensa sa unang pagkakataon ang korona sa Coliseo Roberto kanyang tinubuang lupa sa Agosto 26.


Mayroong two-fight winning streak ang 27-anyos na si Diagan (10-3, 5KOs) mula General Santos City matapos makamit ang split decision panalo kay Vietnamese Huu Toan Le nitong Marso 25 sa Saigon Sports Club sa Ho Chi Minh City, habang pinatumba naman sa seventh round si dating IBO minimum titlist at dating WBC World challenger Simpiwe “Chain Reaction” Konkco nung Oktubre 1, 2022 sa Time Square, Menlyn sa South Africa.


Ito ang unang pagkakataon na sasabak sa World title fight si Diagan na minsang hinawakan ang Philippine Boxing Federation light-flyweight title nung 2019, subalit nabigong masungkit ang WBC Asian light-fly kay Danai “Laser Man” Ngiabphukiaw ng Thailand sa unanimous decision para sa kanyang huling talo noong Hulyo 30, 2022 sa Suamlum Night Bazaar sa Bangkok, Thailand.


Ilang buwan pa lamang ng magtala ng panibagong rekord ang 26-anyos na southpaw na si Collazo (7-0, 5KOs) ng maging pinakamabilis na kampeon sa Puerto Rico sa pitong labanan pa lamang ng paayawin ang dating kampeon na si Melvin “Gringo” Jerusalem sa pagtatapos ng 7th round nitong Mayo 27 sa Fantasy Springs Casino sa Indio, California sa Amerika.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page