Lumusong sa baha... Lalaki swak sa drainage, dedo
- BULGAR

- 20 hours ago
- 1 min read
by Mai Ancheta @News | August 31, 2026

Photo: Circulated / GMA
Kamatayan ang sinapit ng isang lalaki matapos mahulog sa isang bukas na drainage sa kahabaan ng Fil-Am Friendship Highway sa Brgy. Cutcut, Angeles City nitong Biyernes, August 28.
Nakilala ang biktima na si Reiner Novero na tinangay ng malakas na agos matapos mahulog sa bukas na drainage na 'di napansin dahil sa baha.
Dalawang bystander ang nakasaksi sa insidente at nakunan din sa CCTV ang pagkahulog ni Novero sa drainage.
Agad na rumesponde ang Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office at tumulong na sa paghahanap ang Angeles City Police.
Matapos ang dalawang oras ay nakita ang katawan ni Novero dalawang kilometro ang layo mula sa kinahulugan nito, sa ilalim ng tulay sa Brgy. Sto. Domingo.





Comments