Lumapad daw ang face, tumulis ang baba… BAGONG HITSURA NI RHIAN, INAYAWAN NG MGA FANS

ni Nitz Miralles @Bida | September 29, 2026

Photo: FB Circulated
Nagulat ang mga nakakita sa bagong photo ni Rhian Ramos dahil nag-iba ang hitsura ng aktres, parang lumapad daw ang face nito at naging mas matulis ang chin.
Mababasa sa mga comments na may na-disappoint kung totoo mang nagpaayos ng mukha ang aktres dahil wala raw rason para ipabago ito.
Sey ng mga netizens…
“Oh no! She was one of the beautiful faces pa naman sa industry.”
“Ganu’n talaga, choice n’ya ‘yan, eh. Pero sa tingin ko, mas marami tayo na mas gusto ‘yung before n’ya kesa ngayon na nagpaganyan s’ya.”
“Bad cheek contouring. Takpan mo ‘yung lines on her cheeks with your fingers and she looks normal.”
“Napatingin nga ako agad sa IG n’ya and ‘di naman kako ganu’n, so hinahanap ko talaga what went wrong sa picture na ‘to.”
“Tingin ko nga, makeup lang.”
Umaasa ang mga fans ni Rhian na makeup lang at bad cheek contouring ang rason ng kanyang new look dahil kung pagbabasehan ang mga comments, ayaw nila ng bagong hitsura ng aktres.
Sana raw sa susunod na may new photo siya na lumabas, ang dati at untouched face pa rin niya ang kanilang makikita.
We checked Rhian’s Instagram (IG), kaya lang, wala siyang bagong upload at ang last post pa niya ay September 19.
Dati niyang mukha ang makikita sa mga larawan, untouched by science.
Well, abangan na lang natin ang susunod niyang update para malaman kung may nabago ba talaga sa kanyang mukha o makeup lang ang dahilan ng kanyang bagong look.
Pinatunayan ni Ai Ai delas Alas na “Age is just a number” matapos niyang makumpleto ang HYROX Solo race sa Rome, Italy kahit nakaranas siya ng matinding cramps sa magkabilang binti.
Ibinahagi ng 61-year-old actress ang kanyang experience sa Instagram (IG), kung saan nag-post siya ng compilation ng mga clips mula sa fitness event at ikinuwento ang pinagdaanan niya bago makarating sa finish line.
“I am almost 62, I challenged myself to race HYROX Solo (heart emoji),” panimula niya.
Aniya pa, “The cramps in both my legs, from top to bottom, were so painful that I wanted to quit. But I reminded myself why I started and fought until the very end.”
Para kay Ai Ai, hindi naging mahalaga kung gaano niya katagal natapos ang race. Mas mahalaga sa kanya ang paglaban at pagtapos nito sa kabila ng matinding physical challenge.
“It took me almost 3 hours, but I survived, I finished, and I proved to myself that age is just a number when your heart refuses to give up,” saad niya.
Sey pa ng comedienne, “This race was never about the time. It was about courage, resilience, and the strength to keep going when everything tells you to stop.”
Kapansin-pansin din ang suot ni Ai Ai sa race dahil nakasuot siya ng pink activewear na may nakasulat na “Atletang Ina”, na tila reference sa iconic character niyang si Ina Montecillo sa Ang Tanging Ina film series.
Matapos makatawid sa finish line, nagpasalamat si Ai Ai sa mga taong sumuporta sa kanya sa preparation, partikular na sa kanyang fitness coaches na tumulong sa training para sa demanding event.
Ibinahagi rin niya kung paano nakatulong ang kanyang faith para malampasan ang mga mahihirap na sandali sa race.
“Almost 62, still fighting, still dreaming, and still proving that I can (tear emoji)... kahit nasusuka na ‘ko, laban lang. Thank you, Lord and Mama Mary, you helped me to finish this... and to Hyrox Rome thank you so much for your support and cheers and respect (heart emoji). I love you, Roma,” saad niya sa kanyang post.
Umani naman ng congratulatory messages mula sa kanyang fellow celebrities ang accomplishment ni Ai Ai, na pinuri ang kanyang determination at achievement.
“Grabe, Mamaaaaa!!! (clap emoji),” komento ng aktres na si Shaina Magdayao.
“Congrats, Ate! (fire emoji),” sey naman ni Kim Rodriguez.
“I’m so proud of you, ate. Ginalingan mo,” komento ng isa niyang fan.
Wow!





Comments