Lumambot na, nakipagbati sa madir… LOTLOT, BANTAY KAY NORA SA OSPITAL
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 21, 2022

Masaya kami sa balitang nagkaayos-nagkabati na sina Nora Aunor at Lotlot de Leon.
Ilang malalapit na kaibigan nina Aunor at Balot ang nagkumpirma sa balitang ito. At si Lotlot daw ang nagbantay-nag-alaga kay Nora sa ospital kaya hindi siya nakasama nina Ian, Matet at Kenneth sa Malacañang nang igawad ang pagkilala kay Nora Aunor bilang National Artist.
Maging ang mga loyal Noranians ay natutuwa sa balitang okey na ang mag-inang Nora at Lotlot. Ito ang matagal nang hinihiling at idinadasal-dasal ng Superstar. Tuluyan nang lumambot ang puso ni Lotlot at nagawang magpakumbaba sa kanyang ina.
At kahit papaano ay bumawi si Lotlot kay Aunor dahil siya ang nagbantay- nag-alaga sa kanyang Mama Guy sa ospital.
Tunay na mabait ang Diyos sa isang Nora Aunor. Ibinigay sa kanya ang kanyang mga kahilingan sa panahon na kailangan niya. All's well that ends well. Masayang-masaya na si Nora Aunor ngayong kumpleto na ang kanyang mga anak.





Comments