top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Lumalabag sa ipinatutupad na price freeze, sampolan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 4, 2020
1 min read

@Editorial | December 4, 2020



Sa kabila ng price freeze, may mga pamilihan na lumalagpas pa rin sa itinakdang presyo ng mga bilihin.


Sa panayam sa presidente ng Laban Konsumer, batay umano sa kanilang monitoring, lagpas-lagpas sa suggested retail price (SRP) ang presyo ng isda sa ilang palengke.


Bagay na hindi dapat nangyayari dahil may umiiral na price freeze sa buong Luzon na nakasailalim sa state of calamity.


Sa ganitong pagkakataon dapat maging masigasig ang kinauukulan sa pag-ikot sa mga palengke at iba pang pamilihan upang mahuli sa akto ang mga lumalabag sa price freeze.


Kung magiging visible ang mga taong-gobyerno, tiyak na magdadalawang-isip ang mga mananamantala.


Napag-alaman na mayroon namang local price coordinating council ang mga LGUs na puwedeng mag-ikot, kaya galaw-galaw din.


Isa pa sa makatutulong sa ganitong usapin ay ang pagpapaskil ng SRP sa mga palengke para alam ng mga mamimili ang tamang presyo at hindi na sila maloloko o maaabuso ng mga mapagsamantala.


Lahat tayo ay apektado ng sunud-sunod na kalamidad at ng nagpapatuloy na pandemya pero, hindi ito rason para magsamantala para lang kumita — palagi tayong maging patas.


Sakali man na talagang may mga kapalmuks at hindi natitinag, gawin na ng gobyerno ang nararapat, sampolan ang mga pasaway nang hindi na pamarisan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page