Lumagui, bagong commissioner ng BIR – P-BBM
- BULGAR
- Nov 15, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 15, 2022

Napili ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Romeo Lumagui Jr. bilang bagong commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR), ayon sa Malacañang ngayong Martes.
Si Lumagui, na nanumpa sa kanyang tungkulin ngayong umaga, ay papalitan si Lilia Catris Guillermo na nagsilbi naman simula noong Hunyo ngayong taon.
Bago maitalaga sa bagong posisyon, si Lumagui na isang tax lawyer, ay deputy commissioner sa BIR.
“[He] has also been designated to the project management and implementation service, which develops and oversees the implementation of the overall reform or modernization program of the BIR,” batay sa statement ng Malacañang.
Pinamunuan din ni Lumagui ang mga task force para mapalakas ang koleksyon ng BIR gaya ng Assets Recovery at Direct Selling/Multi-Level Marketing and Investment Scams, kung saan nakakolekta ang gobyerno ng P833.69 milyon at P792.56 milyon, base sa pagkakasunod, sa loob lamang ng isang taon.
Hindi naman nagbigay pa ng mga detalye ang Office of the Press Secretary (OPS) kung bakit pinalitan si Guillermo.




Comments