ni Clyde Mariano @Sports | June 17, 2024
Matapos ang labing apat na taong paghihintay, sa wakas nasungkit ng Meralco Bolts ang unang korona sa PBA at tinalo ang defending Philippine Cup champion San Miguel Beermen sa pivotal Game 6, 80-78, low scoring game at tuluyan nang winakasan ang matagal na paghahari ng Beermen sa Smart Araneta Coliseum.
Gumanap na bayani si Chris Newsome nang umiskor difficult left side jumper sa pasa ni John Kier Quinto 88-78, 1.3 seconds. Sa return play, hindi maipasa ni June Mar Fajardo ang bola kay three-point specialist Marcio Lassiter at napilitang i-shoot ang bola at sumablay kaya inangkin ng Meralco ang unang PBA title.
Itinanghal na Best Player of the Game si Newsome sa kinamadang 15 puntos at malaking bagay din ang naging ambag nina Allein Maliksi, Chris Banchero at Raymond Almazan. Si Newsome na rin ang itinanghal na Finals MVP dahil sa nagawa niyang clutch shot sa huling segundo ng laro at tapusin na ang pahirapang bakbakan.
Si Newsome din ang nagbigay sa Meralco ng lamang 77-71 sa medium range jumper para makadepensa pa si Simon Enciso sa 1:43 natitira sa payoff fourth quarter.
“I play my best out there because I want my team wins the title . I’m glad I made it,” sabi ng 33 years old Filipino-American.
Naging makasaysayan, memorable, meaningful at worth remembering ang unang PBA title ng Meralco dahil ang kanilang tinalo ay ang pinakamatagumpay at most dominant na koponan sa liga na nanalo ng 29 PBA title, sampung All-Filipino mula 1975 at unang nag-champion sa Open Conference noong 1979 under coach Ed Ocampo.
“This is the product of sacrifices and hard work. We labored for so long ang finally we accomplished the goal win PBA title,” masayang sinabi ni coach Luigi Trillo.
“Now, the playoff is over, we can now rest and spend our time and have fun with our families hindi namin nabigyan sapat na attention at panahon dahil sa paghahanda namin sa Philippine Cup,” wika ni Trillo.
Ang unang PBA crown ay advance birthday gift sa 49th kaarawan ni Trillo sa July 18.
Hindi na binitiwan ng Bolts ang hawak sa renda sa kabila pag-aalburuto ng SMB at tuluyan angkinin ang unang PBA title at pinasaya si team owner Manny V. Pangilinan at kanilang mga supporters.
Komentar