‘Luis’ umexit na ng PAR
ni Lolet Abania | September 29, 2022

Lumakas pa ang Tropical Storm Luis at naging isang severe tropical storm subalit lumabas na rin ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Huwebes, ayon sa PAGASA.
Sa kanilang 11AM bulletin, sinabi ng PAGASA na si Luis ay naging isang severe tropical storm ng alas-8:00 umaga habang nag-exit naman ng PAR ng alas-9:00 ng umaga ngayong Huwebes.
Ayon sa PAGASA, ang naturang severe tropical storm ay walang katiyakan na direktang makakaapekto sa weather condition at magdadala ng maalong dagat sa buong coastal waters sa bansa sa loob ng inisyung forecast period.
Alas-10:00 umaga, matatagpuan ang Bagyong Luis sa layong 1,130 kilometro east northeast ng Extreme Northern Luzon na may maximum sustained winds na 100 km kada oras, may gustiness na aabot ng hanggang 125 km/h at central pressure na 990 hPa. Taglay din nito ang lakas ng hangin na nag-e-extend papalabas na aabot hanggang 290 km mula sa sentro. Habang kumikilos ito northward ng 20 km/h.
“Luis is forecast to continue moving northward or north northeastward through Friday evening before turning northeastward or east northeastward for the remainder of the forecast period,” pahayag ng PAGASA.
“It may also further intensify while moving over the sea east of the Ryukyu Islands and reach typhoon category within 24 hours,” dagdag pa ng state weather bureau.





Comments